Andrea, nakikilala na ni Derek kahit ilang araw pa lang nagkakasama

NI: Nora Calderon

NGAYONG tapos na ang bakasyon, kaya ang mga bida ng The Better Woman na sina Derek Ramsay at Andrea Torres, balik-trabaho na. 

Ilang araw munang nagpalamig si Andrea sa tubig ng Maldives kasama ang mommy dearest niya at si Derek naman, kasama ang kanyang family ay nagpunta naman ng Vietnam.

Pagbalik ng bansa, una munang hinarap nina Derek at Andrea ang shoot ng GMA Summer Station ID para sa kanilang sisimulang teleserye, kasama ang iba pang Kapuso stars na may mga shows ding sisimulan ngayong summer, like sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado ng Love You Two at sina Sanya Lopez, Winwyn Marquez, Pancho Magno at Benjamin Alves ng Dahil sa Pag-ibig.

Nag-look test na sina Derek at Andrea para sa mga roles nila sa serye na ididirek ni Mark dela Cruz, kasama nila si Ina Feleo.  Sa mga photos na lumabas, kitang-kitang very comfortable na silang magkakasama to think na first time nilang magsasama-sama sa isang project. Sabi ni Derek sa dalawa niyang leading ladies, sign daw ito na magiging smooth ang kanilang samahan tuwing taping day nila.

Andrea & Derek - TBW 0506

Kumusta naman si Andrea?

“You get to see the other side of Andrea, which to me is very, very important,” sagot ng hunk actor.

“If you want to build a bond with your leading lady, you should know who she is – her showbiz side and her real side.”

Nakangiting dagdag ni Derek na nakikilala na niya si Andrea kahit ilang araw pa lamang silang nagtatrabaho.

Eh, si Andrea?

“Pinaghahandaan ko rin talaga ang role ko sa bago naming show ni Derek at gagawin ko ang lahat para mabigyan ng justice ang character ko,” sagot ni Andrea.

Ngumiti lamang si Andrea nang tanungin kung ano ba ang character na gagampanan niya sa The Better Woman.

Just asking: Si Ina Feleo ba ang ipinalit kay Jessy Mendiola na dapat ay siya raw makakasama nina Derek at Andrea sa The Better Woman?

Hindi lamang natuloy si Jessy dahil hindi nagkasundo ang usapan sa kanyang side at sa GMA Network.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s