Kent, umaming na-intimidate kay Sharon pero naramdaman ang pagiging ina

NI:  Ricky Calderon

DAHIL sa sinabi ni Direk Erik Matti na mahusay sa Kuwaresma ang baguhang si Kent Gonzales, marami ang naging curious sa 17-year-old guy.

Sa panayam namin kay Kent, nabanggit niya na 3 years old pa lang siya ay nakagawa na siya ng commercial.  When he was much older, lumabas na rin siya sa TV shows. Na-discover siya ng isang talent manager, Dudu Unay, na siya rin naka-discover kay Liza Soberano.

Nakalabas na rin siya sa Wansapanataym at  Ipaglaban Mo. Nakagawa rinsiya ng commercial for Sun Cellular, Rebisco, Kwentong Jollibee, 7-Eleven at Del Monte.

Nag-meet raw sila ni Direk Erik sa isang one-scene audition. Tapos pinapunta siya ni Direk Erik sa audition for Kuwaresma.

Marunong din siyang kumanta pero sa palagay ni Kent, he is more of an actor.

Ano ang masasabi niya sa papuri ni Sharon Cuneta sa kanya?

“It’s an honor po for me na masabihan ni Mommy Sharon ng compliments na ganoon. I never expected po na may mangyayaring ganitong moment, ganitong opportunity. I am thankful po kay God na binigyan Niya ako ng ganitong blessing. I was given a chance na makatrabaho si Mommy Sharon, si Direk Erik,” wika ng bagets.

Kuwaresma-sharon-cuneta-john-arcilla

Nagkapasa-pasa raw siya sa katawan dahil mga ilang eksena na ginawa niya sa Kuwaresma.

“Marami kasing eksena kung saan kinakaladkad kami sa sahig. O kaya ay itinatapon-tapon kaya nagkapasa kami sa arms and legs. Mahirap ang maraming eksena.”

Hindi ba siya natakot na makaeksena si Sharon?

“Of course, normal lang naman na ma-intimidate. Lalo na po sa akin na wala pa akong masyadong experience sa acting so sa first scene natakot. Pero si Mommy Shawie kasi, sweet siya and easy-going. Masarap siyang katrabaho. Kung may nagagawa man akong mali, nariyan siya to correct ako. And she acts like a real mom to me on the set. Naging magaan ang loob ko sa kanya,” sagot ni Kent.

Ikinuwento nga niya sa mommy niya na makakatrabaho niya si Sharon at sobrang tuwa and proud daw ang parents niya. Supportive naman ang parents niya sa kanyang pag-aartista at hopeful sila na magiging maganda ang takbo ng kanyang career.

Uuwi nga ang parents niya from Cayman Island para manood ng premiere ng Kuwaresma.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s