Alden at Kathryn, natapos na ang shooting ng movie sa Hong Kong; may binago sa finale ng story

NI: Nora V. Calderon

NATAPOS na ng mga bida ng Hello, Love, Goodbye ang first movie team-up nila, sina Kathryn Bernardo at Alden Richards for Star Cinema ang shooting nila sa Hong Kong bilang mga OFWs na nagtatrabaho roon.

Iyong last shooting day nila as per sa kuwento ng mga fans na nanood sa kanila ay naganap last Thursday evening at inabot daw ito hanggang umaga na.

Bago natapos ang shooting, nakita sa video na hinayaan ni Direk Cathy Garcia-Molina na matupad ang wish ng mga fans na makapagpa-sign ng autograph kina Alden at Kath, may nagpapirma sa cellphone, sa mga suot nilang t-shirts, sa mga books nina Alden at Maine (Mendoza), magazines, na dahil mga Team Abroad nga sila ay ngayon lamang may chance na makahingi ng autographs ng mga paborito nilang artista.

Hindi rin kasi naman titigil ang mga fans na hindi makalapit at makapagpapirma ng autograph kina Alden at Kath, especially kay Alden, dahil nga gusto nilang papirmahan din ang book ni Maine, since hindi naman niya kasama ang ka-love team.

Kath & Alden HK 042619

May mga naka-post na ring fan-made videos ng movie, ang isa ay titled “That’s My KathDen” at ang napansin namin, ang mga eksena ay kinuha sa mga movies nina Kathryn at Daniel Padilla, at mga scenes naman ng Imagine You & Me at McDo TVC nina Alden at Maine, pero wala pang scenes ng Hello, Love, Goodbye.

In fairness sa gumawa ng video, iisipin mong sina Alden at Kath ang nagsasagutan sa eksena, mahusay ang editing niya.  May last words pang “We all started as stranger, but we all end as stranger” – “Hello, Love, Goodbye.”

Kaya ang tanong pa rin, malungkot ba ang finale ng movie na sinulat ni Carmi Raymundo?  Balita noon ay may mamamatay daw sa character nina Kath at Alden, pero sabi ay binago ang finale ng story.

Ilan pa sa kasama sa movie sina Maymay Entrata, Lovely Abella, Kakai Bautista, Jeff Tam at Joross Gamboa.  Pagbalik nina Kath at Alden, may dalawang araw pa raw silang magsu-shooting dito, bago ang post-production.

Si Alden ay aalis sa May 7, for the Kapusong Pinoy Studio 7 presents Musikalye sa Brooklyn, Brooklyn, New York.  Babalik siya sa May 15 na para ituloy ang post-production ng movie for Star Cinema.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s