Jasmine, inilabas ang natuklasan sa Twitter account; ilang sinehan ‘di tinanggap ang block screening ng ‘Maledicto’

NI:  Rose Garcia

Inilabas ni Jasmine Curtis-Smith ang natuklasan niya sa kanyang Twitter account.

Si Jasmine ang isa sa mga bida ng horror film na Maledicto na still, showing pa rin sa mga sinehan ngayon. May ilang sinehan pala na dapat ay magkakaroon ng pa-block screening sa Fox Original Productions produced movie na ito na tinatampukan din nina Miles Ocampo, Inah de Belen at Tom Rodriguez, pero, hindi raw tinanggap ng ilang sinehan.

jasmine cs1

Sa Twitter account ni Jasmine, sinabi niya ang dahilan kung bakit daw may dalawang mall sa Taguig ang tumanggi na magkaroon ng block screening ang Maledicto.

Sabi ni Jasmine, “Two malls in Taguig declined our block screenings because apparently they don’t screen local films anymore.”

Dahil sa post na ito ni Jasmine, marami sa mga Pinoy netizens ang nagalit sa mga ganitong theater owners. Na nasa bansa nga naman, pero mismong local films ay hinaharang na maipalabas.

May isang netizen na nag-comment na, si @palabzme_not, “Drop the name of the malls. Cancelled na ‘yan. Boycott.”

maledicto

Sabi naman ni @searunner, “Yung mismong sa Pilipinas binabastos ang mga Pinoy.”

Nag-reply naman si Jasmine na, “Ang lungkot” sa Twitter user na si @einzy sa post nito na, “I also inquired at a small mall here in Pasig and they added me to their email list. I receive info on movies to be shown in advance and there are no local films on the lists :(.”

Sa isang banda, marami pa rin sinehan na showing pa rin ang Maledicto sa kabila ng katotohanan na talagang hindi lang pader, kung hindi bundok ang katapat nila kahit na ika-3rd week of showing na ang Avengers: End Game.

Malaking bagay rin ang word of mouth sa mga nauna nang nakapanood na maganda ang movie at pagkakagawa ni Direk Mark Meily bukod sa magagaling halos lahat ng cast.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s