Maine, puwedeng magdemanda kung solid lang ang batas sa cyberbullying at fake news

NI: Rose Garcia

NAGBIGAY na ng babala ang manager ni Maine Mendoza na si Rams David ng Triple A sa ilang bashers ng phenomenal star.

Aba, e, kahit kami, may nabasa kaming isang account na wala yatang ibang pinagkaka-abalahan sa buhay kung hindi ang mag-post at mag-tweet ng mga paninira at pamba-bash kay Maine. Halos lahat nang binasa namin ay talaga namang imbento o fake news.

Kung solid lang ang batas sa Pilipinas sa cyberbullying at fake news, may karapatan si Maine na idemanda ng bongga ang basher/bully niyang ito.

Pero katulad ng ibang basher o fake account, walang profile, peke ang picture at walang anumang detalye ang account.

main rams

Ayon kay Rams, hinahamon nila itong lumabas, magpakilala at sa harapan nila sabihin ang mga pino-post.

Na at the same time, gumagawa na rin sila ng action para ma-trace at magawan ng legal complaints ang mga walang sawa na nagkakalat ng fake news at talagang grabeng paninira ang ginagawa.

Anyway, naalala namin sa South Korea kung paano ang mga agency ro’n ay talagang isinasa-legal ang mga nagkakalat ng malisyosong balita o isyu sa mga artists nila.

Maybe because, mas solid at buo na kasi ang law nila ron sa mga sa ganitong kaso. Kaya may proteksiyon ang mga nasa-cyberbully mapa-artista man o hindi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s