Britney Spears, itinanggi na sapilitang nagpa-confine sa isang mental rehab facility

NI:  Ruel Mendoza

NAGBIGAY ng update ang singer na si Britney Spears tungkol sa kanyang mental health.

Kumalat kasi sa social media kamakailan na kaya ito nagpa-confine sa isang mental rehab facility ay dahil pinilit ito ng kanyang ama na si Jamie Spears.

Nagkaroon pa ng hashtag na #FreeBritney dahil sapilitang pinasok sa rehab facility si Britney against her will.

brtnet jamie

Pero pinabulaanan ito ni Britney at sa pamamagitan ng isang IG video, sinabi nito na maayos na siya at babalik na siya sa trabaho soon.

“Hi, guys, just checking in with all of you who are concerned about me. All is well. My family has been going through a lot of stress and anxiety lately, so I just needed time to deal, but don’t worry, I’ll be back very soon.”

Nag-decide na magsalita si Britney dahil marami na raw masyadong mga kuwento na kumakalat and “it has just gotten out of control!!!”

britney s

Nag-worry ang 37-year old singer dahil pati ang kanyang pamilya ay nakakatanggap na ng death threats mula sa kanyang fans.

“I am trying to take a moment for myself, but everything that’s happening is just making it harder for me. I promise I’m doing what’s best at this moment 🌸🌸🌸 You may not know this about me, but I am strong, and stand up for what I want!.  Your love and dedication is amazing, but what I need right now is a little bit of privacy to deal with all the hard things that life is throwing my way. If you could do that, I would be forever grateful. Love you❤️❤️❤️,” caption pa ni Britney sa IG post niya.

Para mapatunayan na hindi siya kinukulong sa rehab facility, nakita si Britney sa Los Angeles na suot ay isang short white dress at bumibili ng frozen yogurt kasama ang ilang kaibigan niya.

Nagsalita na rin ang boyfriend ni Britney na si Sam Asghari tungkol sa kalagayan ng singer: “Her fans are so amazing to be so concerned. Nobody needs to worry, she’s doing amazing, she will be back soon.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s