John, aminadong ‘Sharonian’ kaya natuwa nang tanggapin ni SHARON ang ‘Kuwaresma’

NI: Ricky Calderon

KUNG hindi tinanggap ni Sharon Cuneta ang alok ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde na magbida sa Kuwaresma, ang biggest at scariest film ni Erik Matti, malamang daw ay baka hindi natuloy ang pelikula.

Ito ang big reveal nina Dondon at Direk Erik sa presscon ng Kuwaresma na ginanap the other day sa Valencia Events Place.

Si Sharon kasi ang first choice nina Dondon at Direk Eric for the pivotal role of the mother sa Erik Matti film na ito kung saan tampok din ang award-winning actor na si John Arcilla.

Pero dahil nagustuhan ni Sharon ang kwento ay agad tinanggap ng megastar ang pelikula, na unang pagkakataon na makakatrabaho niya si Direk Erik, at John.

kuwaresma-cast

Sabi pa nina Dondon at Direk Erik, lumaki ang scope ng pelikula nang makuha nila si Sharon bilang lead actress. With her around, dapat isang mahusay na actor rin ang dapat i-cast sa role ng kanyang asawa.

Pasok na pasok naman sa criteria si John, na certified box-office star on the strength of Heneral Luna. Kayang-kayang tumapat ni John sa husay ni Sharon bilang aktres.

Ito palang si John eh certified Sharonian kaya ganoon na lamang ang kanyang tuwa nang malaman na tinanggap ni Sharon ang role bilang asawa niya sa Kuwaresma.

Puring-puri naman ni Direk Erik ang mga lead stars niya dahil sa effort na ibinigay nila with their respective roles, na malaki ang naitulong para gumanda ang pelikula.

Showing na ang Kuwaresma sa May 15 na magsisilbing Mother’s Day presentation ng Reality Entertainment at Globe Studios.

Horror movie man, tungkol naman sa pagmamahal sa anak, asawa, at pamilya ang tema ng Kuwaresma.

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s