Jodi, emosyonal sa usaping ina; aminadong nagkukulang sa oras kay Thirdy

NI: Rose Garcia

SA naging presscon bagong pelikula ng Cineko Productions, ang Man and Wife na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Gabby Concepcion, natanong sila ng direktor na si Laurice Guillen kung ano ang failure nila as a mom since malapit na ang Mother’s Day.

Namamaos si Jodi at halos walang boses dahil tila may nakuha raw siyang virus nang magbakasyon pero, okay naman daw siya sa kabila ng kawalan ng boses.

Natanong si Jodi tungkol sa pagiging ina niya at sa naging relasyon niya sa dating asawa na si Pampi Lacson.

Mahahalata pa ring tila naging emosyonal siya habang sumasagot sa tanong. Pauna nga niya, pag sa usapang ina talagang mababaw ang luha niya.

jodi and laurice

Tulad ni direk Laurice na working mom, ayon kay Jodi ay nagkululang din daw siya sa oras sa kanyang anak na si Thirdy.

“I’m also a working mom and I’m a single mother, so I must say na I haven’t been spending much time with my son coz I had to go to work.

“And also, maybe I have not been successful in giving my child the family that he deserves because hindi naman kaila po sa inyo that my ex-husband and I have been separated for quite sometime already.”

Sabi pa niya, “But I am very grateful to the Lord because kahit na ganu’n ‘yung situation at kahit ganu’n ‘yung nangyari, nakikita kong lumalaki nang maayos ‘yung anak ko.”

When asked kung ano ang mga “sana” niya bilang ina, medyo teary-eyed din si Jodi nang sabihing, “kahit ano ang mangyari, mapabuti lang ‘yung anak mo. I think, for me ‘yun lang talaga ang pinaka-sana ko, na kahit ano ang mangyari, magiging maayos siya, lalaki siyang maayos na mamamayan.”

Samantala, nilinaw ni direk Laurice na hindi remake ng classic hit radio drama and tv soap opera in the 70s and 80s na pinagbidahans sa telebisyon nina Marianne dela Riva and Ronald Corveau.

Sa paliwanag ni direk, ang Man and Wife ay sequel ng Gulong ng Palad na parang pagpapatuloy lang daw or ‘yung mga “what if” sa kwento ay dito mapapanood.

Kaya nga raw pinalitan din nila ito ng title. Ang una kasing title ay Gulong ng Palad din.

At dahil nga sequel, siyempre, same characters pa rin lahat.

Ginagampanan ni Jodi ang papel na Luisa na dating ginampanan ni Marianne at si Gabby naman ay si Carding originally played by Ronald. Ginagampanan naman ni Liza Lorena ang papel na Menang na biyenan ni Luisa at si Totoy naman na kapatid ni Luisa ay ginagampanan ni Edgar Allan Guzman.

Showing na ang Man and Wife ngayong May 8 bilang Mother’s Day presentation ng Cineko Productions.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s