Jodi, aminadong nagulat sa intimate scene nila ni Gabby

NI:  Rohn Romulo

FIRST time na makakatambal ni Jodi Sta. Maria si Gabby Concepcion sa Man and Wife at first time din niyang makakatrabaho si Direk Laurice Guillen.

Handog ito ni Cineko Films para sa Mother’s Day at distributed ng Cinescreen, na ipalalabas nationwide sa May 8.

Iikot ito sa mag-asawang Cading (Gabby) at  Luisa (Jodi) na ipit sa pagitan ng pagmamahalan nilang dalawa at sa gulo ng kani-kanilang pamilya.

Ang pamilya ni Carding, sa pangunguna ng kanyang ina at alkalde ng kanilang bayan na si Menang (Liza Lorena), ay pinahihintulutan ang mga mapang-abusong minahan sa kanilang lugar kaya’t apektado ang mga lupain, kabilang na ang pinagsasakayan ng kapatid ni Luisa na si Totoy (EA Guzman).

laurice & jodi

Sa kabila ng kagustuhang mapanatili ang kanilang relasyon, napagtanto nilang mas kumplikado ang proseso kaysa sa pinaghandaan nila.  Makakabanggaan ni Carding ang kanyang ina at si Luisa naman sa mga kapatid. Dahilan ito upang tanungin nila ang kanilang mga sarili sa desisyong bumuo ng sariling pamilya.

Paano mamimili ang isang lalaki sa pagitan ng babaeng kanyang mahal at ng babaeng kanyang unang minahal?  Sino ang pipiliin niya sa pagitan ng kanyang ina at ng ina ng kanyang anak?

Kasama sa Man and Wife, na hindi remake ng Gulong ng Palad, sina Klea Pineda, Teroy Guzman, Dexter Doria, Francis Magundayao, Ina Feleo, Denise Laurel, at Amy Austria.

Samantala, inamin ni Jodi na may intimate scene sila ni Gabby sa movie.  Na first night pa lang ng shooting ay ganun na agad ang pinagawa ni Direk Laurice kaya medyo nagulat siya dahil hindi pa raw nakakapag-warm up, pero napaka-gentleman daw ni Gabby, kaya hindi siya nailang.

Pero dahil nga mag-asawa ang role nila sa movie, alangan naman magtitigan sila at mag-jack en joy lang sila.

Hindi kasi siya sanay sa mga ganung eksena.  2015 o four years ago pa siya nakagawa ng intimate scenes sa Pangako Sa ‘Yo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s