Sharon, umaming na-disappoint na ‘di natuloy ang horror movie nila ni Direk Chito; masaya na naisingit ang ‘Kuwaresma’

NI: Nora V. Calderon

MAHILIG palang manood ng horror films  si Megastar Sharon Cuneta kaya pala disappointed siya tuwing magbabalak sila noon pa ni Direk Chito Roño na gumawa ng horror film ay laging hindi natutuloy. 

Mahilig nga siyang manood ng horror film, kung minsan, tulog na raw ang kanyang neighbor (husband Kiko Pangilinan) naka-earphone lamang siya para hindi niya maistorbo ang asawa sa pagtulog.

sharon-cuneta-kuwaresma

Kaya hindi kataka-taka na kahit busy ang schedule ni Sharon, nang i-offer sa kanya nina Dondon Monteverde ng Reality Entertainment at multi-awarded director Erik Matti ang movie na Kuwaresma, nagawan niya ng paraan na maisingit ito sa schedule niya. That time ay naka-schedule na ang kanyang US at Canada concert tour.

“Pero naibigay ko ang time ko, kahit ang location namin ay sa Baguio City pa at ilang araw kaming nag-stay doon,” kuwento ni Sharon sa mediacon ng movie.

“Noong una nga hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng Kuwaresma, iyon pala ang tawag sa Holy Week.  At bakit iyon ang title, dahil nangyari ang story during the Holy Week.”

Ipinapanood ang full trailer ng movie at talaga namang kikilabutan ka sa mga eksena, pero mas nakakatakot ang magnified horror trailer na ipinakita after ng mediacon, dahil mas matindi ang mga eksena.

Naitanong kay Sharon, kung hindi ba siya humawak ng mga pangontra sa mga evil spirits na maaaring meron sa location nila sa Baguio?

“I am a Christian pero I was raised a Catholic, kaya naman naniniwala rin ako sa mga ganoon, kaya namigay ako ng mga cross, St. Benedict’s and St. Michael de Archangel’s pendants sa mga kasama ko sa shooting.”

Kuwaresma

Kasama ni Sharon, first time niyang nakatambal, ang mahusay na actor na si John Arcilla, na fan na fan pala niya at hindi raw niya in-expect na makakatambal niya ang hinahangaang Megastar.

Bilib na bilib naman si Sharon sa husay ni John na gumaganap na husband niya sa movie at mga anak nila sina Pam Gonzales at Kent Gonzales, magkapatid sila pero gumanap silang kambal sa movie.  Parehong hinangaan sa pag-arte ang dalawa na first time lamang pumasok sa showbiz.

Ang Kuwaresma ay gift ni Sharon sa kanyang mga fans, followers and supporters in celebration of her 40th years in showbusiness.

Co-producer din ng Reality Entertainment ang Globe Studios ni Quark Henares at mapapanood na simula sa May 15, their Mother’s Day presentation.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s