Dingdong, twenty one years na ang pagiging loyal Kapuso; gaganap na Pinoy Big Boss sa remake ng ‘Descendants of the Sun’

NI: Rose Garcia

ISINUOT daw talaga ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang paborito niyang suit at pati na raw yung gel na matagal na niyang hindi nagagamit ay ginamit niya sa itinuturing niyang mahalagang okasyon sa buhay niya.

Ito nga ang muling pagpirma ni Dingdong ng exclusive contract sa GMA-7.

Dalawampu’t-isang taon na si Dingdong bilang Kapuso. Ganun na rin siya katagal at nananatili bilang isang loyal Kapuso.

Ano nga ba ang pakiramdam na sa loob ng 21 taon, heto’t nag-renew siyang muli ng kontrata?

dingdong-dots

“How does it feel?,” saad niya.

“Alam niyo, bukod sa ginawa namin kanina, kasi, nag-contract signing po ulit kami. Pero technically, it’s just a renewal in papers.

“Pero, yung pakiramdam ay parang Easter Sunday. ‘Di ba, nag-resurrect ang ating Panginoon. Ito yung parang rebirth of everyone.

“For me, it is also a rebirth of my commitment, a rebirth of my dedication. At higit sa lahat, ito yung reassurance, ito yung relationship talaga namin ng GMA magmula noong umpisa.

“At lalo pa nating palalakasin, not on a professional level but more on personal level. Because, twenty-one years na po ako sa GMA at dito ko nakilala ang aking napangasawa.”

Dugtong pa niya, “Dito sa GMA ako nagkaroon ng panganay. Dito sa GMA ako nagkaroon ng pangalawang anak.

“So, ibig sabihin, bahagi talaga ang GMA ng aking buhay. Yun ang kahulugan ng araw na ito para sa akin.”

dingdong-d

Naging emosyunal din si Dingdong at tila pigil ang luha habang pinapanood ang special AVP na inihanda ng GMA network sa kanya.

Ipinakita rito ang mga naging programa niya sa GMA at kung paano, marami ang naging leading man pero, nothing come close raw with Dingdong sa bakuran ng GMA sa loob ng dalawang dekada.

Nagbigay rin ng special messages ang mga artistang nakasama niya katulad nina Dennis Trillo, Gabby Eigenmann at Alden Richards, gayundin ang ilan sa mga executives kabilang na si Attorney Felipe. L. Gozon.

Kasabay na rin sa pagpirma ni Dingdong, ang official announcement na siya ang magbibida sa Pinoy adaptation ng isa sa pinaka-popular na South Korean drama, ang 2016 Descendants of the Sun.

Si Dingdong ngayon ang Pinoy Big Boss na ginampanan naman ng South Korean actor na si Song Joong Ki.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s