Aiko, nilinaw na walang pilitan ang pag-i-endorse ni Andre sa politician boyfriend

NI:  Ricky Calderon

MARAHIL marami ang nagtaka, kasama na rito ang mga haters ng aktres na si Aiko Melendez kung bakit inendorso ng kanyang anak nasi Andre Yllana ang kandidatura ni Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun sa pagka-bise gobernador ng probinsiya.

Pero hindi dapat mabahiran ng intriga kung inendorso man ni Andre ang boyfriend ng kanyang mommy Aiko. Sa isang Facebook post ay winika ni Aiko na dedma lang sila sa intriga at negative na balita.

Ayon pa kay Aiko, close si Andre at ang kanyang Tito Jay Khonghun, at Gov. Jun Ebdane. Genuine daw at walang pilitan ang pag-endorse ni Andre. Sabi pa ni Aiko, kahit na may mga nega, tuloy ang laban nila para sa Zambaleno. Walang atrasan.

Naging close sina Andre at Mayor Jay dahil mga anak daw ang turing nito sa kanila ng kapatid na si Marthena Jickain.

aiko-jay

Bago naman siya lilipad papuntang Amerika, magsosolo daw ng house to house campaigning si Andre sa ilang lugar sa Zambales upang tumulong sa pagpapaalam sa mga taga-doon sa plataporma at hangarin ng kanyang Tito Jay sa lalawigan.

Sa mga hindi nakakaalam, 20 anyos na si Andre at legal age na ito at botante na rin, hindi nga lang dun pero ikinagalak daw niyang maglaan ng oras para sa boyfriend ng ina.

Samantala, ikinatuwa naman ni Aiko na naging positibo ang resulta ng kanyang Facebook live kung saan isa-isa niyang binanatan ang kalaban ni Mayor Jay.

Mas lalo pa siyang nakakuha ng simpatiya mula sa mga taga-Zambales dahil nailahad niya kung gaano karumi maglaro sa pulitika ang kanilang kalaban.

Inisa-isang basahin ng aktres ang mag mensahe na nakarating sa kanya. Hindi man daw niya masagot ang lahat ng mga ito pero appreciated daw niya ang love at concern ng mga tao sa kanya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s