CliqueV, nasungkit ang Best Male Group of the Year award sa Laguna Excellence Awards 2019

NI: Throy Catan

MASAYA ang naramdaman ng grupong CliqueV nang nakuha nila ang Best Male Group of the Year award sa kakatapos lang na Laguna Excellence Awards 2019. Ginanap ang nasabing award-giving body sa Cinema 1 ng SM Calamba last Saturday, April 22.

“Nagpapasalamat po kami sa mga taong sumusuporta po sa amin. Isang malaking karangalan ito. Iyung pagod po naman sa pagpe-perform sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay sobrang sulit dahil ni-recognize ng Laguna Excellence Awards ang talento namin” Sabi ng isa sa mga miyembro ng CliqueV.

Nag-perform din ang CliqueV habang kinakanta ang kanilang single na “Sana Naman“.

Maliban sa CliqueV, nanalo rin ang Belladonnas bilang Best Female Group of the Year. Ang Belladonnas at CliqueV ay under ng 3:16 Events And Talent Management.

May mga bigating artista at singer ang tumanggap din ng parangal sina Arabelle Dela Cruz bilang Outstanding Female Performer of the Year, Jed Madela bilang Male Performer of the year, Therese Malvar bilang New TV Actress of the Year, Yasmien Kurdi bilang Outstanding TV Actress of the Year, Nora Aunor bilang Movie Actress of the Year, at marami pang iba.

Para sa dagdag na impormasyon about CliqueV, bisitahin ang kanilang official Facebook page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s