Marian, sampung oras na nag-labor sa second baby nila ni Dingdong; inulan ng pagbati ang pagsilang kay Jose Sixto G. Dantes IV

NI: Rose Garcia

SAMPUNG oras nag-labor si Marian Rivera para sa second baby nila ng Mister na si Dingdong Dantes na ipinanganak noong Holy Tuesday, April 16.

Kaya walang kaduda-duda, kung makakalabas agad si Marian mula sa Makati Medical City, sa bahay talaga ang Holy Week ng Dantes Squad.

Si Dingdong ang nag-post ng, “Yahoo! After around 10 hours of labor, Marian finally gave birth to our baby boy at 1:35 p.m. today.

“Thank you very much for praying with us. Welcome to the world, Jose Sixto G. Dantes IV.”

Siyempre inulan ng mga pagbati ng congratulations ang mag-asawa sa post ni Dingdong na picture ni Marian at ni baby the Forth.

Aba, pagkaganda-ganda pa rin ni Marian na nanganak at ‘di mo mababakas sa ganda nito habang affectionately ay nakatingin sa baby nila na sampung oras itong nag-labor, huh!

Tinotoo naman ni Dingdong na talagang palaging nasa tabi lang siya ni Marian sa panahong malapit na itong manganak. In fact, day before na manganak e, ang bago niyang hobby ang pinagkaka-abalahan nilang mag-asawa.

Nakahiligan ni Marian ang pagtatanim at may post ito na si Dingdong talaga ang nagka-karpinteryo ng paglalagyan niya ng mga halaman niya.

Feeling naman namin, now that Marian has given birth at ilang weeks din siguro na babantayan at magiging hands-on din ni Dingdong sa kanyang “junior” e, back to work na talaga ang Kapuso Primetime King.

Right after Easter Sunday, ang alam namin ay formal na pipirma muli si Dingdong bilang Kapuso.

(photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s