JR Estudillo, focus sa singing career at sa nalalapit na board exam

NI: Throy Catan

jr estudillo3

MASAYA naming nakausap ang baguhang singer na si JR Estudillo sa kanyang pocket press conference na ginanap sa 33 Bistro kagabi, Abril 22. Sa presscon, pinag-usapan namin ang mga upcoming shows and projects ni JR katulad ng kanyang online show na Usapang Lodi.

Bago namin itanong ang kanyang mga shows, hindi namin maiwasang i-compare siya kay Pambansang Bae Alden Richards dahil halos magkakamukha sila. May plano ba siyang maging artista like Alden?

“Meron nga po nagsasabi [na kahawig ko po si Alden Richards]. Kung meron pong opportunity po [na maging artista] puwede naman po.” Sabi ni JR.

Sa mga hindi nakakaalam, bago pa siya naging solo artist ay napabilang siya sa boy band na Y-Fi kung saan sumali sila sa prestihyosong The World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa America noong 2014. Inamin niyang nanibago siya nung naging solo artist na siya.

“Yes po. Sobrang nanibago. Lalo na sa stage kasi iba iyung meron kang kasama sa stage, and all of the sudden ikaw lang mag-isa sa stage. Nakakakaba. Medyo nag-adjust na po talaga ako nung nagsimula ako as a soloist.” Kuwento ni JR.

Nagtapos sa kursong Nursing sa Our Lady of Fatima University si JR last March. Ngayon ay naka-focus siya sa kanyang board exam. Ibig sabihin ba nito tuluyan na siyang aalis sa showbiz?

“Hindi pa po kasi ita-try ko po ang show business. After ko po mag-board exam, focus muna ako sa singing career. I would try to enroll acting workshops [to improve my acting skill].  Sagot ni JR.

Si JR Estudillo ay singer from Davao. Ni-release sa Spotify ang single niya na “Ikaw Pa Rin” na kinompos ni Jeremy Sarmiento at inareglo ni Paulo Sisi.

Noong Marso 2018, ininterpret niya ang kantang “Gintong Pag-ibig” na isinulat nina Alex at Aireen Hernandez sa songwriting competition na A Song of Praise (ASOP) sa UNTV. Nanalo siya sa weekly finals. Last Sunday, Abril 21, muli siya magpe-perform sa ASOP sa interpretasyon ng “Ang Makapiling ka Ama” na isinulat ni Joseph Eymard dela Cruz.

Mapapanood si JR Estudillo sa online show na Usapang Lodi every Saturday, 8 PM sa Solid Rock Entertainment Production official Facebook page. Ang Solid Rock Entertainment Production ay  pamamahala ng manager ni JR na si Kate Rodriguez.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay JR Estudillo, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s