Direk Cathy, napahanga agad ni Alden dahil mahusay ang pag-atake; ‘di nagkamali sa pagkuha sa aktor

NI: Nora V. Calderon

SA kabila ng mga aberyang nangyayari sa shooting ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards for Star Cinema sa Hong Kong dahil sa laging sinusugod ng mga fans kahit saang location sila magpunta.

At sinasabayan pa ito ng madalas na pag-ulan sa Hong Kong, na laging exterior ang mga eksena nilang kinukunan, napipilitan silang huminto ng shooting.

Pero si Direk Cathy, na ngayon lamang nakasama at naidirek si Alden ay hindi nakapigil na mag-comment tungkol sa actor: “Di ko pa napanood mga shows niya dati, pero first take pa lang namin, napahanga agad niya ako.  Mahusay ang atake. 

“Mata pa lang nangungusap na. Di kami nagkamali na kunin ang serbisyo nya. At super bait na bata. Wala akong masabi.”

alden_hk

Nagpasalamat naman ang mga netizens na nakabasa sa tweet ni Direk Cathy:  @beth Marquez Thank you Direk CGM for the kind words.  Glad Alden comes up to your expectations.       @Levy Wow sarap naman pakinggan. Coming from the director herself.. We are proud of you Tisoy..thank you direk Cathy for the kind words..

@EJ KIKAY As always walang tao na nakatrabaho niya na hindi siya na-appreciate.  Professional at work with a good heart.

Sa Hong Kong na magpapalipas ng Holy Week sina Alden, Kathryn at ang buong production staff, dahil susubukan nilang matapos ang shooting ng mga eksena roon bago sila bumalik ng Pilipinas.

For one, si Alden ay kailangang bumalik ng Pilipinas dahil sa April 26 na ang opening ng kanyang McDonalds food chain sa Binan Highway, sa Laguna.

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s