Singer Jeselle Kempis, may solo concert sa KIA Theater ngayong Septyembre

NI: Throy Catan

KAABANG-ABANG ang upcoming solo concert ni Jeselle Kempis na gaganapin sa KIA Theater ngayong Septyembre. Ang director ng nasabing concert ay si Atty. Vince Tañada.

Inimbitahan ako sa pictorial ni Jeselle para makilala siya ng husto. Bago ako dumating ay nag-umpisa na sila sa kanilang photo shoot mga ala-una ng hapon. Natapos naman ang photo shoot ng mga around 5 PM.

Nagkuwentuhan kami ni Jeselle tungkol sa nalalapit niyang concert. According to her, maraming mga celebrity guest ang magpe-perform on stage. Sa ngayon ay secret muna kung sinu-sino ang mga celebrity guest na iyun.

Sa ngayon, nagte-train siya ngayon under ng Philippine Stagers Foundation, isang primiyadong theater company.

 

Bata pa lang si Jeselle ay nagpakita na ng potensyal bilang isang magaling na singer. Namana niya ang kanyang talento sa kanyang mga magulang. Sa katunayan, ang concert na ito ay tribute concert ni Jeselle para sa kanyang yumayong ama na si Brigadier General Ronald E. Kempis.

Ngayon ay pinagsasabay ang trabaho niya sa Bureau of Immigration, at ang pagkanta sa malalaking venues.

Isa sa malalaking venues kung saan siya nagtanghal ay sa Resorts World Manila last March. Kasama ni Jeselle sa Resorts World ay ang OPM icon na si Nonoy Zuñiga.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa upcoming concert ni Jeselle Kempisbisitahin siya sa kanyang Facebook page.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s