Tom, may kakaibang na-encounter habang nasa shooting ng mapanindig balahibong ‘Maledicto’

NI: Rohn Romulo

HANDANG-HANDA na sina Tom Rodriguez, Miles Ocampo, Inah de Belen at Jasmine Curtis-Smith para sa kanilang mapanindig balahibo na horror film na Maledicto.

Ito ang first ever locally-produced ng Fox Networks Group Philippines (FNGP) at co-produced ng Cignal Entertainment at Unitel na masisilayan na sa May 1 mula sa direksyon ni Mark Meily.

Excited namang ibahagi ng Vice President at General Manager ng FNGP na si Jude Turcuato ang kanilang upcming film.

“Maledicto is a really big feat for FNG, being the first ever film we’re produced locally, with an all-Filipino cast at that.  With Maledicto under our belt, we’re hoping to elevate Filipino cinema to one of a Hollwood pedigree.”

maledicto-1

Pahayag naman ni Jane Basas, President and CEO ng Cignal Entertainment, “With Maledicto, we hope to offer a different flavor of horror to Filipino viewers who deserve  a better and more exciting offering from this genre.  Aside from its unique and thought-provoking story, the audience will also be on the edge of their seats with Maledicto’s Hollywood-level set production and special effects.”

Sa movie gaganap si Tom bilang Father Xavi, dating psychologist na naging skeptical exorcist dahil sa tragic death ng kanyang sister na si Mara (Inah).  Makikilala niya si Sister Barbie (Jasmine), na may gift of charism.

Magkasama nilang haharapin ang kaso ni Agnes na isang teenager na magsisimulang mag-manifest ng demonic behavior that rocks the foundation of the church.

Kasama rin sa cast ng nakakakilabot na pelikula sina Eric Quizon, Martin Escudero, Franco Laurel, Nonie Buencamino, Liza Lorena at Menggie Cobarrubias, na base sa mga nilabas na trailers hindi talaga basta makakalimutan ang mga eksena na level up talaga ang pananakot tulad mga napapanoood natin na Hollywood movie.

tom-maledicto

Ganun talaga ang expectations nang marami sa Maledicto at mukhang hindi naman sila mapapahiya, dahil four years ito in the making, na kung saan kinarir talaga ang mga visual effects.

Anyway, may nakakakilabot na encounter si Tom sa shooting ng movie, dahil may isang batang sakristan ang na-meet niya, na nagturo pa raw sa kanya ng tamang paghawak ng bible at krus.  Sinabi pa raw nito na napapanood niya si Tom sa The Cure.

Pero nang pinagtanong-tanong nila ang batang nakausap ay wala raw nakakakilala, kaya lalo silang nangilabot.  Marami rin pagpaparamdam sa set, tulad pagsasara ng mga pinto, kahit wala naman tao.

Aware din sila Tom na ang showing nila ay second week pa lang ng inaabangang Avengers: End Game pero umaasa pa rin sila na panoorin sila mga Pinoy na mahihilig sa horror films, dahil kasusuweldo pa lang at holiday pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s