Jennylyn, sobrang supportive sa kanyang ‘gay husband’ na si Nar; record producer na at nagpa-block screening pa

NI: Ruel Mendoza

KUNG may boyfriend si Jennylyn Mercado na si Dennis Trillo, meron naman itong tinatawag na “gay husband” sa katauhan ng Kapuso singer-comedian si Nar Cabico.

Ang kakapanalo pa lang na best actor ng Sinag Maynila 2019 ay ang gay BFF (best friend forever) ni Jennylyn. Una raw silang naging close ni Jen noong gawin nila ang My Love From The Star kunsaan gumanap si Nar na harassed assistant ni Jen.

“Doon kami sa set na nagkakilala and habang nagte-taping kami, naging close kami ni Jen. Naging bonding moment namin ay music kasi mahilig sa kung ano-anong music si Jen.

“Tapos we both have something in common, pareho kaming naging lounge singer. Kaya nakaka-relate kaming dalawa sa isa’t isa,” sey ni Nar.

Jennylyn Mercado 3

Naging hingahan na rin daw si Nar ni Jennylyn ng mga problema nito at pinagtiwalaan siya ni Jen ng mga personal secrets nito.

“Ilang beses na kaming nag-iyakan ni Jen kapag may isang topic kaming napag-uusapan. Mas naging special ang friendship namin kasi she placed her trust in me. Knowing someone like her, hindi siya basta-basta nagse-share ng mga bagay-bagay sa buhay niya.

“Kaya nagpapasalamat ako kay Jen for being honest with me and for trusting me sa ilang mga sikreto niya. May pact kami na walang lalabas sa mga naging girl talks namin,” diin pa ni Nar.

At sa sobrang supportive ni Jen kay Nar, naging producer ito ng hit single ni Nar na “GAGA” at nagpa-block screening ito ng pelikula ni Nar na Akin Ang Korona kunsaan nanalo ito ng best actor award.

“Mas lalo kong minahal si Jen sa mga ginagawang ‘yan sa akin. Hindi ko siya hiningi pero sinusorpresa niya ako talaga.

“Kaya sana sa magiging digital album ko under GMA Music, gusto ko may isang friendship song kami doon ni Jen. Parang tribute ko na iyon sa kanya for being a presence in my life,” pagtatapos pa ni Nar na kasama rin sa teleserye na Love You Two bilang hotel assistant ni Gabby Concepcion.

Nar Cabico 2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s