ER, confident na mananalong governor ng Laguna; mga pelikula nabili na ng Netflix

NI:  Rohn Romulo

SAKTO sa ng Araw ng Kagitingan nang nagpatawag ng presscon si former Laguna Governor ER Ejercito para ipaalam na hindi totoong disqualified na siyang tumakbo bilang gobernador Binigyang linaw niya ang mga balitang ikinakalat daw ng kanyang katunggali sa pulitika na hindi siya pwedeng tumakbong muli dahil sa mga kasong kinasasangkutan niya.

Ayon kay ER malinaw na “fake news” ang mga naglabasang report na pure political harrassment.

“Former Laguna governor Emilio Ramon ‘ER’ Ejercito can run for governor of Laguna this 2019. He is not disqualified to run because the decision of the Sandiganbayan is not final and executory,” ayon sa statement ng lawyer ni ER na si Larry Gadon.

“The social media ‘fake news’ and rumors that ‘Gov. ER Ejercito is perpetually disqualified to run for Governor of Laguna and to hold public office, and will be jailed for a period of six to eight years’ is not true.

Based on the statement, nag-post nga ng bail si ER para sa kanyang provisional liberty at nag-file siya ng motion for reconsideration before the Sandiganbayan.

e.r. ejercito1

Last April 5 nagbigay ng sentenced ang court ng six years and a month up to eight years in prison with perpetual disqualification from holding public office na sina Jeorge Estregan (Ejercito) Arlyn Lazaro-Torres, Terryl Gamit-Talabong, Kalahi Rabago, Erwin Sacluti, at Gener Dimaranan na dating municipal councilors at dating FCRV owner and proprietor na si Marilyn Bruel.

Confident si former Laguna Governor Ejercito na mananalo siya sa sa pagiging gobernador sa May 13, 2019 dahil suportado siya ni President Rodrigo Duterte at Mayor Inday Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Matitindi naman ang mga pinakawalang salita ni ER laban kay incumbent Laguna Gov na si Ramil Hernandez, na dating bise-gobernador niya na pumalit sa puwesto niya nang pababain siya ng COMELEC noong 2014 dahil sa campaign overspending at ganun din sa pamilya Aquino, lalong-lalo na kaya former Pres. Noynoy.

Anyway, kahit daw sobrang busy niya sa public service, patuloy pa rin ang kanyang suporta sa local movie industry sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mga pelikula.

Ang upcoming movie niya na SAF 44 ay tungkol sa pagpaslang sa 44 members ng Special Action Force sa Mamasapano, Mindanao.

Ipapakita raw sa pelikula ang mga tunay na nangyari noong January 25, 2015 at ang malaking pananagutan ni former President Aquino sa naganap na trahedya.  Hindi lang kami sure kung kailan ito maipapalabas o may balak ba itong isali sa MMFF.

Ibinalita rin ng dating gobernador na naibenta na raw niya sa Netflix ang mga pelikula na pinrodyus at nagkakahalaga ng isang milyong dolyar ang bawat isa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s