Alden, dinumog ng fans sa HK at nataranta ang airport police nang magtilian

NI: Nora V. Calderon

NAGKAKAROON nga ba ng problema ang pagsu-shooting ng Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema sa Hong Kong dahil sa pagdumog ng mga fans sa shooting location nila na madalas ay nasa palengke, like iyong post ni Joross Gamboa na nasa Mongkok sila.       Noong lang dumating sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng Hong Kong, marami nang gustong makalapit sa kanila, na mostly ay AlDub fans, na nang kawayan at nag-flying kiss daw si Alden sa kanila ay nagtilian ang mga fans na ikinataranta ng mga airport police.

Nang mapatahimik sila, tanong daw ng isang pulis, “is that your President” na ikinatawa raw ng mga fans, nag-level up na raw si Alden mula sa tawag na ‘Gov,’ ngayon ‘president’ daw naman.

alden_hk

Nagagalit daw ang staff sa rami ng mga fans kaya sabi ni @HyperbolaOne “crowd control (i.e. restricting pedestrians from getting into frames, etc) when filming/shooting in a public place can be a nightmare.  The challenge of making sure filming goes on w/o a hitch falls on the shoulders of the production staff.

“Given that #HelloLoveGoodbye stars two high-profile celebrities, w/huge followings, and being shot in a country (Hong Kong) that is the domicile of many Pinoy fans of KB & @aldenrichards02, HLG prod staff should have anticipated the daily mob of fans (& onlookers) on the film set. “They could have hire security agencies to keep cast, crew & set secure & safe.  Here’s hoping #HelloLoveGoodbye completes the shoot successfully.”

alden-joross

Naalaala namin nang mag-shooting sina Alden at Maine Mendoza ng Imagine You & Me sa Italy, nag-hire sila ng Italian counterparts nila doon kaya kahit maraming dumarating na fans sa shooting, hindi sila nakalalapit sa set hanggang hindi sila tapos.

Based sa mga photos na naipo-post sa socmed, makikitang kahit nasa set si Alden, nilalapitan siya ng mga fans at nagpapa-sign ng autograph sa kanya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s