AiAi, magla-lie low muna next year para mag-focus sa pagkakaroon ng baby

NI: Rose Garcia

MULI na namang gumaganap bilang isang ina ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas.

Pero kumpara sa Tanging Ina series niya dati, this time, sa VIVA Films movie niya na Sons of Nanay Sabel may flawed daw talaga ang karakter niya bilang nanay.

Sa May 1 na ang showing nito.

Sa Ang Tanging Ina nga naman, “natatangi” ngang talaga siya unlike now na maraming flaws.

Ang mga anak niya rito ay ang mga alaga niyang EX Batallion at sa direksiyon ni Dado Lumibao.

Sa mga anak daw niya, bilang isang ina ay, “Siguro, hindi naman almost perfect, pero palagi akong ina-assured ng mga anak ko kapag tinatanong ko kung naging mabuting nanay ba ako sa inyo.

“Sasagutin naman nila nang, ‘Mama, ikaw ang the best!’ Naks! Kaya naa-assure ako na naging mabuti naman ang pagpapalaki ko sa kanila.

sons-of-nanay-sabel

Bilang ina naman daw sa mga ExB, pinaka-sweet na maituturing na ni AiAi na ginawa raw ng mga ito sa kanya kapag nagsu-sorry sa kanya.

“Mga gangster ang mga ‘yan, e, so, para mag-sorry sila, yun ang pinaka-sweet sa akin.”

Natawa naman si AiAi sabay sabi nang, “secret” nang tanungin ito kung ano ang pinakamalaking kasalanan na nagawa sa kanya.

Kahapon naman ay ika-5th year anniversary na raw nilang mag-jowa ng mister na si Gerald Sibayan. Nasa Subic ito dahil nag-aaral ng pagka-piloto.

Sa 2020, ito na ang “project: baby” ni AiAi na simula January ay magla-lie low na muna siya at magpo-focus sa pagkakaroon ng baby.

sons-of-nanay-sabel1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s