Winwyn, handa nang makipagtagisan ng kaseksihan kay Sanya

NI: Rose Garcia

Handa na si Winwyn Marquez na makipagtagisan ng kaseksihan sa co-star niya sa bagong afternoon prime ng GMA-7, ang Nang Dahil sa Pag-ibig na si Sanya Lopez.

Nag-summer plug shoot na sila at nag-pictorial na rin for their new teleserye at kung hindi magbabago ang schedule, posibleng ngayong araw na ito raw ang first taping day nila.

Naalala namin nang tanggihan ni Winwyn ang Pamilya Roces at napunta kay Sophie Albert ang role dahil hindi raw nito kaya yung ganun ka-sexy na role. This time, hindi lang sexy ang role niya, siya rin talaga ang kontrabida.

winwyn m1

Yung story raw talaga ng Nang Dahil sa Pag-ibig ang nagpa-oo sa kanya ngayon.

“Yung story talaga, kasi sabi ko naman, ayoko lang talaga yung basta magsusuot ka ng sexy para lang akitin mo yung tao.

“Sexy siya… pero, iikot at story sa pagka-sexy naming apat. Ako, si Pancho (Magno), si Benjamin (Alves) at saka si Sanya (Lopez). Makikita niyo ang intense and sexy side.”

Sabi nga namin, bagong Winwyn pala ang mapapanood sa kanya.

“Yes, it’s a new persona for me at first time ko lang na gagawa ng ganito.”

At natutuwa naman daw siya dahil makikita siya ng mga tao bilang iba-iba. Iba sa pageant, isa sa serye, iba sa totoong siya.

Natawa naman si Winwyn nang sabihi namin na baka tulad din siya ng ibang babae o actress na kapag nakipag-break sa karelasyon nila, nag-iiba, yung iba nagiging daring talaga.

Sanya-Lopez

May konek ba si Mark Herras sa pagbabago ng image niya ngayon?

“Ngayon ko lang naisip yun, ah! Ha ha ha! Wala, wala naman. Kasi, feeling ko, nangyayari lang yun kapag bad break-up.”

Sila naman daw ni Mark ay maayos naman talaga at mutual ang naging desisyon nila na mag-break. Hindi man daw sila regular na nagkaka-usap, pero open naman daw ang lines of communication nilang dalawa.

Mag-a-apat na buwan pa lang din silang hiwalay, mas gusto raw niyang i-enjoy ang pagiging single niya ngayon kaya wala pa sa isip niya ang pumasok sa panibagong relasyon o mag-entertain kung sakali at may nagkaka-interes daw na manligaw sa kanya.

“Wala e, mas gusto ko na single lang muna, enjoy-enjoy lang. Mag-travel and work, yun talaga ang focus ko ngayon, work talaga.”

Posibleng ngayong May na magsimulang mapanood ang bagong serye nila.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s