Ria, pinagdiinang kaibigan si JM at hindi boyfriend; may pag-asa ‘pag nanligaw

NI: Rohn Romulo

NA-CORNER si Ria Atayde sa thanksgiving lunch kasama ang kanyang Mommy Sylvia Sanchez at kuya na si Arjo Atayde na kung saan parang naging Christmas in April dahil sa bonggang hinanda ng pamilya nila.

Medyo nahuli nang dating si Ria dahil kararating pa lang niya mula sa Hong Kong na kung saan balitang nanood sila ng concert ni JM De Guzman.

Natanong si Ria kung nanliligaw na si JM, pero hindi niya masagot, dahil iba na raw ngayon ng dynamics ng modern day relationships.

“I can’t really tell, for sure, he is special to me pero kung nanliligaw, I can’t answer that,” tugon niya.

atayde fam

At kung manliligaw daw si JM at mukhang may pag-asa naman.

Sabi pa ni Ria,  nagustuhan niya kay JM, “he loves his family, mapagmahal, marespeto, maabilidad and really passionate.”

Wala rin kaso kay Ria na ma-link siya sa isang aktor na nasangkot sa drugs.

Paliwanag niya, “Kasi yung mga pinagdaanan niya po before… sa tingin ko hindi niya pinagdaanan yun, he wouldn’t be JM that he is today.      “And that’s the JM I came to know, di ba? And I liked what I got to know. So, wala naman pong problema sa akin.”

Nakita naman si Ria na sumuporta kay JM at Arci Munoz sa premiere night ng Last Fool Show na showing na ngayon at hatid ng Star Cinema, kaya lalo tuloy umiingay na may relasyon sila.

Pero pinagdidiinan ni Ria na hindi pa niya boyfriend ang kaibigan niyang si JM.

jm-de-guzman

Balita rin na boto naman si Sylvia kay JM kung saan mauwi nga sa relasyon ang kanilang pagkakaibigan.  Alam naman daw ng mommy niya na lumalabas sila lalo pa nga’t magkasama sina Sylvia at JM sa seryeng Project: Kapalaran bilang mag-ina.

At kung matuloy nga, mukhang hindi matutupad ang sinabi ni Arjo noon na ayaw niyang magkaroon ng boyfriend ang kapatid na taga-showbiz din.

Anyway, last two weeks na lang ang Halik na kung saan naging remarkable din ang pagganap niya bilang Baste.

May sisimulan naman siyang bagong iWant 12-part series na may title na Manillennials na kung tungkol sa Manila Millennials at makakasama niya dito sina Chai Fonacier, Nico Manalo, Fifth Solomon at isang trans actress na hindi niya matandaan ang name.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s