Jericho, nanggulat sa pagsasabing huling soap-opera na ang ‘Halik’, sumunod kay Piolo

NI: Rose Garcia

GINULAT ni Jericho Rosales ang press sa ginanap na finale mediacon ng successful primetime series niyang Halik sa pagsasabing huling soap-opera na niya itong gagawin.

Hindi na raw siya magsu-soap.

Uso nga yata sa mga artista ngayon ang nagpapaalam na sa paggawa ng teleserye, nauna na si Piolo Pascual na nagpahayag ng tungkol dito.

Pero sabi ni Jericho, may tatlong taon na rin daw niya itong pinag-iisipan.

“I’ve been working in soap for 23 years now. I won’t do soap anymore.”

Nilinaw naman agad ni Jericho na hindi siya magreretiro sa pag-arte, hindi rin siya mawawala sa telebisyon.

“It’s time for me to challenge myself, to create something new for me and hopefully, it works.

“It’s time that I’ll graduate from soap opera. It’s a world now of digital. We don’t know where things are going, it’s a season where each and every actors can create, can direct and can produce, can write. And one of the very few that offered me is Direk Ruel Bayani.”

jericho-Halik

Ang gusto lang daw niya, makapagbigay ng new content. Ma-challenge rin ang mga nanood sa kanya.

“With the availability of iWant, mga pelikula, Netflix, feeling ko ang dami kong puwedeng gawin.”

Sa isang banda, kung ang Halik nga ang magiging huling serye ni Jericho, he will end his teleserye career on a high note dahil sa taas ng ratings nito at mismong si Echo ang nagsabi na ang Halik ang nagbigay sa kanya ng another height on teleserye after 20 years.

The first one was Pangako Sa Yo na kunsaan nakilala si Jericho sa ibang Asian countries at nagpakilala rin sa Pinoy teleserye sa ibang bansa.

Dalawang Linggo na lang ang serye at marami ang nag-aabang, ano nga ba ang magiging ending sa mga sikat na karakter na ginagampanan nina Jericho, Sam Milby, Yeng Santos at Yam Concepcion.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s