Maja Salvador, deserving gumanap bilang Darna

NI: Throy Catan

TIKOM muna ang bibig ng Dance Princess na si Maja Salvador sa pag-link niya sa upcoming Darna movie ng Star Cinema.

Ayon kay Maja, ayaw muna niya mag-comment for now dahil ayaw niyang magsalita nang tapos, at dahil din nire-respeto niya si Liza Soberano na gaganap sana bilang Darna.

Kasalukuyang naghahanap ng bagong Darna ang Star Cinema na papalit kay Liza. Matatandaan natin na umalis si Liza Soberano dahil sa kanyang finger fracture na posibleng lumala kapag ipinagpatuloy pa niya ang nasabing proyekto.

Kahit na no-comment muna si Maja, natutuwa siya sa mga tweets ng mga tao dahil kasama siya sa mga gustong gumanap bilang Darna. Kasama rin sa mga choices sina Nadine Lustre, Pia Wurtzbach, at of course si Angel Locsin.

Kung si Maja ang pipili, si Angel Locsin na ang gusto niya maging Darna. Complete package na raw si Angel: Filipina beauty, sexy, marunong umarte, at kayang-kaya ang mga maaaksyon na eksena.

In my opinion, isa sa mga bet ko si Maja dahil humahanga ako sa kanyang pagganap sa teleseryeng Wildflower. Alam mo na kaya niya ang mga role na palaban.

Also, Maja is a dancer. Maraming mga kilalang female action star noon na walang experience sa martial arts pero magagaling sumayaw katulad ni Michelle Yeoh. Mas madali niyang mapag-aralan ang fight scene lalo na matagal na ginagawa ang movie.

Maja reminds me of Vilma Santos noong ginampanan niya ang role. I mean look, ka-peg niya dyan si Vilma.

darna maja

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s