Pagre-resign ni Liza bilang ‘Darna’, naging breaking news at maraming pinahanga

NI:  Rose Garcia

NAGING breaking news ang pagre-resign na ni Liza Soberano para gumanap na Darna sa Star Cinema movie.

Nakapag-shooting na si Liza para rito, pero dahil sa naging injury niya sa daliri during Bagani’s taping at ang healing process ay talagang natatagalan sa kabila ng pagti-theraphy niya, malungkot man ay si Liza ang pinakabagong actress na naudlot na rin ang pagiging Darna.

Nag-post naman ang manager ni Liza na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account nang naging conversation niya ng alaga nang sabihin nito na hindi na niya magagawa ang classic Pinoy superhero role.

Sabi ni Ogie, “Ako bilang co-manager kay Liza, nalulungkot ako. Kasi, bongga sana ‘yung “Darna.” Magiging bahagi sana ng history ng career ng aking alaga ang “Darna” na halos lahat ng aktres, gustong gawin ‘yan.

“Ilan na ‘yung artistang nag-audition para diyan, pero si Liza ang nakakuha ng role. Nu’ng una’y hindi pa nagsi-sink in sa kanya na siya na ang modern-day Darna, hanggang sa yakapin na niya ang naturang superhero character.

“Pinaghandaan ‘yan ni Liza. Pati mga gym workouts niya, ‘yung fight scenes training niya, ‘yung routines niya, lahat ‘yon, naka-sched araw-araw.

“Pero dahil sa nangyaring aksidente sa “Bagani” last year kung saan napuruhan ang isa niyang daliri, ‘yung totoo, ‘yung Darna agad ang naisip namin ni Liza.”

ogie-diaz-liza-soberano

Umiiyak daw si Liza nang tumawag kay Ogie.

Lahad pa niya, “Umiiyak siya. Sabi ko, baket? Nahihiya daw siya sa akin at sa Star Magic at sa upper management na baka hindi na niya kayanin pang gawin ang Darna, dahil matatagalan pa nga ang complete healing ng kanyang dalir

“Magagalit ka ba, Tito Ogie, kung hindi ko na gagawin ‘yung ‘Darna’? Magagalit kaya sa akin sina Mr. M at Ms. Mariole (ng Star Magic)? Baka hindi na ako bigyan ng trabaho ng ABS-CBN kung hindi ko gagawin ang Darna. Paano na ‘yung family ko?”

“Sabi ko talaga kay Liza, ‘Naisip mo pa talaga ‘yan, nak? At least, nak, iniisip mo pa rin ang iisipin ng ibang tao at ‘yung magiging consequence ng ginawa mo. Ibig sabihin, nagwo-worry ka para sa kanila. Hindi ka selfish. Maganda ‘yang ganyang attitude mo.

“Pero sa totoo lang, if you don’t feel like doing Darna anymore, it’s okay with me. Kahit gusto pa ng lahat ng tao sa paligid mo na maging Darna ka, kung feeling mo, may kulang, kung half-hearted ka because of what happened, baka mas maganda ngang huwag mo nang ituloy. Ako ang mag-e-explain muna sa kanila, then let’s set a meeting with the bosses.

“Alam mo, nak… agi mong tatandaan, everything happens for a reason. Pupuwedeng hindi ka nga nadisgrasya, at itinuloy mo nga ang Darna, and while shooting Darna, du’n ka naman naaksidente nang malala o baka ikinamatay mo pa during stunts or ‘yung naka-harness ka. Ang ginawa lang ng Diyos, sa daliri ka lang niya pinadaplisan.”

“Tulo pa rin nang tulo ang luha ni Liza.”

Dahil sa post na ito ni Ogie, mas marami pa ang napahanga sa dalaga kahit na marami ang nanghinayang na hindi na siya ang bagong Darna.

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s