Miles, natuwa nang malaman ang posibleng pagbabalik ni John Lloyd

NI:  Rose Garcia

DATI raw ay naririnig lang ni Miles Ocampo ang ilang kapwa artista na sinasabing pa-birthday gift na lang sa mga ito na panoorin ang pelikula nila.       Hindi raw akalain ni Miles na masasabi niya rin na pa-birthday gift na lang sa kanya na panoorin ang movie niya, ang Maledicto sa May 1.

Saktong birthday naman daw kasi niya ang May 1 din.

Ang Maledicto is a Latin bad or curse word at isang horror film na produced ng FOX Original Productions. Bongga ang role ni Miles sa movie, naaalala namin sa kanya ang Hollywood film na Exorcism of Emily Rose bilang siya ang estudyante na sinapian dito.

“Actually hindi ko siya napanood, natatakot ako, Ha ha ha! Marami na rin akong nagawang horror film, pero itong ‘Maledicto’, it’s really different.

“Masasabi ko siguro, ito yung pinaka-big break ko sa movie. Very challenging talaga kasi, ‘di ba, parang in real life, wala naman akong basis ng taong nasasapian talaga. Nakakatakot siya but when I read the script, ang ganda talaga.”

miles ocampo

Sa isang banda, hindi na kami magtataka kung hihilingin din niyang birthday gift sa isa sa malapit niyang “kuya” na si John Lloyd Cruz na panoorin din ito.

Last birthday raw niya, pinuntahan siya ng actor sa University of the Philippines at kumain daw sila sa sikat na barbeque-han dun.

Sabi ni Miles, “Happy siya, happy naman siya.”

Nabalitaan din daw niya na tila magbabalik na ito. At isa raw siya sa natuwa nang mabasa.

Since maingay na rin naman ang pagbabalik ni John Lloyd at parang pang-test ang lumalabas na photo ad ng isang shawarma na diumano’y mukhang si John Lloyd nga ang bagong endorser, puwede sigurong imbitahan ni Miles ang Kuya niya sa premiere night ng Maledicto.

Tutal, proud na proud si Miles sa movie na produced ng isang Hollywood film outfit.

miles jl

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s