Derek, pinaghandaan ang pagiging Kapuso; excited na sa mapangahas na teleserye nila ni Andrea

NI: Nora V. Calderon

AFTER Derek Ramsay, isa namang Kapamilya actress ang sabi’y lilipat sa Kapuso Network.

In the bag na raw ang paglipat nito, tinatapos lamang ang ilang bagay tungkol sa paglipat niya.  Maiiwan niya ang kapatid niya at ang na-link sa kanya noon.

Malabo na raw namang makalipat sa GMA si Jessy Mendiola dahil nahihirapan silang makipag-negotiate sa tumatayong manager ni Jessy. Mabuti na lamang at may coming movie si Jessy, ang Stranded showing on April 10, from Regal Films.

Anyway, maaga pa last Wednesday morning, April 3, nag-sign ng contract si Derek Ramsay at naging official Kapuso na siya bago siya humarap sa entertainment media, na isang mainit na pagtanggap ang ibinigay sa bagong Kapuso actor.

Kasama ni Derek ang mommy niyang si Remedios Ramsay at ang kanyang girlfriend na si Joanna Villablanca, his manager Joji Dingcong at lawyer na si Atty. Maria Falcon.

DEREK-RAMSAY2

Hindi na rin naman bago si Derek sa GMA Network dahil nagsimula siya rito nang mag-host siya for a while sa Eat Bulaga, na sabi nga niya ay doon siya natuto kung paano mag-host, nagkaroon ng confidence in front of the cameras.

Medyo lamang natagalan ang pagpirma ni Derek ng contract.

“Last year pa ako nakipag-usap sa kanila kasama ko ang parents ko,” say ni Derek.

“We had a great time, positive ang conversations namin, pero ako na ang humingi ng konting time bago pumirma ng contract dahil hinahabol ko muna ang dream ko na maging professional golfer. 

“Kaya ang mind ko, heart and everything was focused on that and during those initial talks, they were patient enough to give me time to prepare mentally.

“Gusto ko kasing ibigay ang lahat ni Derek Ramsay sa pagbalik ko sa trabahong ito, ng 100 percent kahit pagod ako, wala akong excuse, kailangang handa ako everytime.”

In 2003 pala unang tumungtong ng GMA si Derek.

“So, it’s a wonderful feeling that I am back here.  Malaking factor sa akin ang parents ko para ituloy ang pag-arte at lumipat dito sa GMA.  Usually kasi ako ang lumalapit sa parents ko to ask for advice.  Pero di ko pa hinihingi, dumating na ang advice.

“My mom said, “you should do it Anak.”  I learned from my mistakes in the past, always listen to your mom,” natatawang sagot ni Derek. “Kidding aside, I told them, “Really?”

“Hindi nila alam iyon din ang iniisip ko.  Right now I’m so happy with my decision and I think I made the right decision.”

derek-r

The Better Woman ang title ng first project na gagawin ni Derek sa GMA at first leading lady niya si Andrea Torres.  Mukhang excited si Derek sa project at siya na ang nag-volunteer ipaalam kung ano ito.

“I like the project, it’s very risky, very different and I got challenged.  I don’t want to be safe.  I love challenges and this is the project that I feel that is best for me.! I’m happy that  Mark dela Cruz will direct our project.  Nakatrabaho ko na siya noon.”

Welcome Kapuso Derek Ramsay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s