Cory Quirino, muling nagbabalik sa pageant scene bilang Presidente ng ‘Mutya ng Pilipinas’

NI: Louie Guarin

MATAPOS ang pansamantalang pamamahinga sa loob ng tatlong taon ay muling nagbalik sa pageant scene si Ms. Cory Quirino bilang Presidente Ng Mutya ng Pilipinas (MNP).

Kilalang health and wellness advocate si Ms. Cory at mayroon siyang radio program sa DZMM na ‘Ma-Beauty Po Naman’ aired every Sunday 9-10am.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga at pamumuno niya muli ang 50-year old beauty tilt na MNP kaya ganoon na lamang ang kanyang saya nang humarap sa media kamakailan ang  sa Ascott Hotel sa Makati.

“Finally, I’m back!,” masayang turan ng celebrity at women empowerment advocate na si Ms. Cory sa press.

Matatandaang naging Presidente rin ng Miss World Philippines Organization (MWPO) si Ms. Cory at doon ay nakapag-produced siya ng anim na Miss World beauty queens na nagdala ng malaking karangalan para sa ating bansa.

Ayon naman sa Chairman ng MNP na si Mr. Fred Yuson, ang kanilang strategic move “as one which will positively secure the future of the organization” ang kanilang panghahawakan upang maging solido ang organisasyong ito.

cory & co

Pahayag pa ni Ms. Cory, ang kanilang vision sa samahang ito ay, “In search of the hometown girl, we at Mutya intend to give every young lady who dreams of having a crown on her head a chance to be discovered.”

Ipinakilala rin during the media launch ang songwriter na si Mr. Ogie Alcasid ay makakasama na sa MNP organization bilang isa sa mga board of directors. Kasabay nito ay ang ang tiyak din na pagsuporta ng kanyang asawang si Regine Velasquez-Alcasid sa mga upcoming events ng Mutya.

Samantala, ilan sa mga dumalo sa press launch ng MNP ay ang  2018 Mutya titlists headed by reigning Mutya Queen, Sharifa Areef Mohammad Omar Akeel, (Miss Asia Pacific International 2018), Pauline Amelinckx– MNP Miss Global Beauty Queen, Julieane Aya Fernandez – MNP Miss Tourisn International, Kheshapornam Ramachandran – MNP Miss Tourism Queen of the Year, and Mary Justine Teng – MNP 1st runner-up.

“A welcome change in the MNP organization’s thrust is to discover other talented candidates who will be given opportunity to become a movie or TV star, model or career woman. For this a partnership arrangement was formed with A-Team president Ogie Alcasid. Talks are also underway with ABS-CBN to open its door to talented Mutya candidates who could possibly join the ranks of Star Magic artists,” pahayag pa Ms. Cory.

“Wherever the Filipina is and whatever hometown she resides in, whether here or abroad, we extend a warm invitation to her to become a member of the Mutya ng Pilipinas family,” pagtatapos ni Ms. Quirino.

Ang MNP ay magsisimula sa April 2019 at Ang pageant coronation ay magaganap  sa August at ang MNP tagline: ay “Hometown Girl, It’s Your Time to Shine!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s