Nicolas Cage, nag-file ng annulment pagkatapos makasal ng apat na araw sa girlfriend na si Erika Koike

Ni:  Ruel Mendoza

NAG-FILE ng annulment ang Hollywood actor na si Nicolas Cage ilang araw pagkatapos silang mag-apply ng marriage license ng kanyang girlfriend na si Erika Koike sa Clark County Court House Marriage Licence Bureau in Las Vegas, Nevada.

Apat na araw lang ang tinagal ng marriage ng Oscar winning actor kay Kioke nang magbago ang isip nito.

Ayon sa report ng TMZ, lasing daw si Cage nang mag-apply ito ng marriage license kasama si Koike.

nicolas-cage-erika-koike

Nagkaroon ng relasyon sina Nicolas at Erika habang ginagawa ng aktor ang pelikulang Primal sa Puerto Rico. Mabilis daw ang naging attraction nila sa isa’t isa at mabilis din nilang napagdesisyunan ang magpakasal.

Isa raw sa dahilan bakit niya pina-annul ng 55-year old actor ang kasal nito kay Koike ay dahil nalaman nito na may ex-boyfriend ito na isang drug dealer at nakaramdam siya na kukunin nito ang lahat ng pera niya.

Bago si Koike, kinasal at nahiwalay si Cage ng tatlong beses. Una ay kay Patricia Arquette noong 1995, pangalawa kay Lisa Marie Presley in 2002 at pangatlo kay Alice Kim in 2004.

Nicalos Cage, nag-file ng annulment pagkatapos makasal ng apat na araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s