John Lloyd Cruz, magbabalik showbiz na?

NI: Throy Catan

KUMAKALAT ngayon sa social media na posibleng bumalik sa showbiz si John Lloyd Cruz dahil sa isang viral photo.

Nagsimula ito nang pinost sa official Instagram account ni Piolo Pascual ang nasabing letrato. Sa picture, may isang lalaking nakatalikod at may logo ng kilalang shawarma store sa upper-left corner. Sa nasabing post, may caption na nilagay si Piolo: “If thats you i’m happy coz ur my brother😊 welcome to the family!”

Marami ang nag-comment sa post na ang lalaking nakatalikod ay si John Lloyd Cruz.

Meron ibang netizen na pabirong sinabi na ang lalaki sa picture ay si Empoy dahil sa kanyang bigote, and also isa sa malapit na kaibigan ni Piolo. Iyun nga lang hindi konektado sa comment si Empoy dahil active pa rin sa showbiz ang komedyante.

Matatandaan natin na nag-file ng ‘indefinite leave’ si John Lloyd nung October 2017 for “personal matters”.

Sabi ng iba ay related ang indefinite leave sa kanyang partner na si Ellen Adarna. Ang iba ay nagsasabi na gustong magbago ng career, at maging artist. Kamakailan lang ay may bago siyang art exhibition sa West Gallery kasama ang kapwa niyang artist na sina Kaloy Sanchez, Kawayan de Guia, at Tatong Torres.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s