Sylvia, pinasalamatan si Maine pero ‘di sinagot kung karelasyon na si Arjo

NI:  Rohn Romulo

MARAMING rebelasyon ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa muli nitong paggi-guest sa Tonight with Boy Abunda ni King of Talk Boy Abunda.

Unang naitanong sa kanya ang issue na pinagpustahan daw nila ng anak na si Arjo Atayde ang rumored girlfriend nito na si Maine Mendoza.       “Bakit namin pagpupustahan si Maine? Bakit ako papayag na pagpupustahan namin ang isang babae… babae rin ako,” reaksyon niya.

Nilinaw ni Sylvia na ang pustahan nila na P100K ay may kinalaman sa mga projects ni Arjo na Bagman ang 12-part series na napapanood sa iWant at ang Stranded na showing na April 10 mula sa Regal Entertainment, Inc.

Tinanong din niya si Arjo kung bakit nito nagustuhan si Maine.

“Swak kaming dalawa e. Nagkakaintindihan kami…,” sagot ng anak.

“Napapatawa siya ni Maine. Minahal niya talaga si Maine. Mahal talaga ng anak ko si Maine. Nakikita ko yun,” dagdag pa ng aktres.

Sa pagkakakilala niya sa anak, hindi si Arjo ang tipo ng lalaki na basta na lang susuko.

“Anak siya ng tatay niya. Ilalaban ni Arjo si Maine. When in fact nilaban na,” tugon pa ni Sylvia.

maine-arjo2

Inamin diin ni Ibyang na hindi pa niya nakikilala si Maine at hindi pa nadadala sa kanilang bahay.

“Pero ang gusto kong ginawa ng anak ko pumunta siya sa bahay

Tugon pa ni Ibyang habang kausap si Kuya Boy, “Ang daming nagsasabi noon na nangangarap lang anak ko, stalker lang ang anak ko… masakit yun para sa isang nanay, Tito Boy. Masaya ako kasi hindi natakot si Maine at pinanindigan din niya ‘yung alam niyang tama.”

Bilang panghuli, tinanong kung gusto niya si Maine bilang girlfriend ni Arjo, at mabilis itong sinagot ni Sylvia “yes.”

Pero hindi siya nakasagot sa follow-up question sa ‘yes or no’ segment, kung mag-on na sina Maine at Arjo, at dinaan na lang sa pagtawa ng bida ng Jesusa na magpi-premiere sa April 6 sa Gateway Cinema at isa sa official entry sa Sinag Maynila.

Ang Jesusa ay mula sa direksyon ni Ronaldo Carballo at produced ng OEPM (Oeuvre Events and Production Management).  Aminado si Sylvia na first time niyang gagawin ang role ng isang kakaibang ina na nalulong sa ipinagbabawal na gamot,

Kasama rin sa cast Allen Dizon, Ynez Veneracion, Mara Lopez, Malu Barry, Vince Tanada, Empress Shuck, Fanny Serrano, Beverly Salviejo, Mara Lopez at ipinakikila si Uno Santiago.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s