Kilalanin natin ang singer na si Markus Mejia

NI: Throy Catan

PARANG bumabalik sa nakaraan ang singer-composer na si Markus Mejia habang kumakanta ng mga lumang kanta. Ito kasi ang palaging nire-request ng mga nanonood sa kanyang performance with his band Flintstones and the Gang.

Nalaman ko ito nang makausap ko si Markus sa Music Box sa Timog last weekend. In-interview ko siya para malaman ang kanyang upcoming projects at ano na ang lagay ng kanyang career.

“Medyo matagal-tagal na rin ako in this industry. I’ve been here for four years. I was singing in the bar as a soloist. Pero ngayon mas happy ako ngayon na may band na ako…

“Iyung banda ko na iyun, we sing retro songs. For my age as 26 years old, that sort of like a challenge. Kasi every time that I’m studying retro songs, it brings me back to the age that I haven’t been born yet. It’s interesting and it’s a training ground for me.” Sabi ni Markus.

Hindi lang naman lumang kanta ang kaya niyang kantahin. Pinagmamalaki rin niya ang pagiging versatile niya sa pagkanta dahil pinag-aaralan niya ang mga kantang nire-request sa kanya kapag kinukuha siya sa mga kasal.

Natanong ko rin kung sinu-sino ang gusto niyang makatrabaho o maka-duet in the future, “Sa singer po ngayon na babae, gusto ko po ma-collaborate si Morissette Amon o si Jonalyn Viray

“Sa lalaki naman po, gusto ko po makasama si Bugoy Drilon kasi po sobrang ganda po ng boses ni Bugoy. Tapos si Daryl Ong” Deklara niya.

Shinare din niya ang kanyang latest single in a collaboration with his music producer, “As for my first single… It’s called ‘No Shooting Star’. It is out na in Spotify, i-Tunes. You can [watch] it on YouTube… There’s gonna be a lot more [original songs] soon.” Sabi ni Markus.

For more info about Markus Mejia, bisitahin siya sa kanyang Facebook page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s