Jessy, ‘di papayag sa sinasabi na jinx kaya ‘di kumikita ang movie

NI:  Ricky Calderon

SIYEMPRE ayaw pumayag ni Jessy Mendiola sa sinasabi ng kanyang mga haters na jinx siya kaya ‘di kumikita ang kanyang mga pelikula.

Di raw siya jinx. Baka raw nagkataon lang na semplang sa takilya ang mga past movies niya, tulad ng The Girl in the Orange Dress. Bagamat maganda ang kwento, hindi naging box-office success sa 2018 MMFF.

Sabi pa ni Jessy, mahirap malaman kung anong tipo ng movie ang gusto ng audience ngayon. Hindi lahat ng mga movies na nag-open since January ay maganda ang resulta sa takilya except for the movie of Liza Soberano at Enrique Gil.

Kumita raw ang movie ng LizQuen kasi maganda ang kwento, well-promoted, at suportado ang LizQuen ng kanilang mga fans.  Malakas kasi ang fan base ng LizQuen.

JESSY ARJO STRANDED 3

Jessy is hopeful na ang latest movie niya titled Stranded, isang rom-com from Regal Entertainment, will make money.

Katambal niya rito si Arjo Atayde and she believes maganda ang chemistry nila sa pelikula. May instant connection raw sila dahil matagal na silang friends.

Tungkol naman sa kanyang mga bashers, hindi na lang daw ito pinapansin ni Jessy.

“They will always be there so the best thing to do is to ignore them. Kasi kung papatulan mo sila, eh baka mas lalo pa silang matuwa kasi pinansin mo sila.

“Kaya huwag na lang natin silang patulan. Kahit naman mag-explain ka, they will choose to believe what they want to believe. Kaya chill na lang.”

Stranded, directed by Ice Idanan, will open in cinemas on April 10 under Regal Entertainment.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s