Bianca, proud na proud na naglakad suot ang graduation cap at toga; inalay sa kanyang lola

NI:  Ruel Mendoza

NAKAPAGTAPOS na mula sa senior high school ang Sahaya star na si Bianca Umali.

Naganap noong nakaraang March 28 ang graduation rites ng 19-year old Kapuso star mula sa Veritas Catholic School in Paranaque City.

Proud na proud si Bianca na maglakad suot ang kanyang graduation cap and toga dahil nasulit ang  lahat ng naging sakripisyo niya para lang makapagtapos ng high school.

Sa kanyang Instagram account kunsaan pinost ni Bianca ang isang black and white photo niya na naka-graduation cap, inalay niya ang kanyang pagtatapos sa kanyang Lola Vicky na tumayong magulang niya simula pa noong maulila ito sa kanyang mga magulang.

bianca u2

“Mama, my superhero, this is for you. @vickyumali,” caption pa ni Bianca.

Sa gitna ng pagiging busy ni Bianca sa kanyang showbiz career, nagawa pa niyang maasikaso ang kanyang pag-aaral at nagbunga naman ang hirap at tiyaga nito.

Magandang ehemplo nga si Bianca sa mga kabataan na tulad niya ay working student kung tawagin. Sa konting sipag, tiyaga at dasal ay matutupad ang kanilang pangarap na maka-graduate sa takdang panahon.

Ngayon at tapos na sa high school si Bianca, on hold muna ang plano niyang mag-college. Iniisip pa raw niya ng mabuti kung ano ang gusto niyang kuning kurso.

Habang hindi pa nakakapag-decide si Bianca, nakatutok ito sa kanyang taping ng primetime teleserye na Sahaya.

bianca u1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s