Alden, malaki na ang ibinawas ng timbang at nag-aaral din ng Cantonese para sa movie nila ni Kathryn

NI: Rose Garcia

NAGPAPASALAMAT si Alden Richards sa mainit na pagtanggap raw sa kanya ng Kapamilya dahil sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema katambal si Kathryn Bernardo at sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Pero alam daw niya na hindi magiging posible ang lahat kung hindi siya sinuportahan ng sariling network, ang GMA-7 at maging ang APT Films kunsaan ay may kontrata siya sa movies.

Ayon kay Alden, “Very grateful po ako sa GMA kung hindi po dahil sa GMA at hindi nila ko pinayagan, sinuportahan, hindi rin po magiging posible ‘to and of course, sa APT Films po, pumayag po sila, si Mr. Tony Tuviera po nang magpaalam po ako.

“I’m just grateful po like with GMA na for the past nine years have been very good to me.”

Mahigit isang buwan daw isu-shoot nina Alden at Kathryn ang movie nila na romantic-drama.

kathryn-alden-cathy

Ngayong first week na ng April ang alis ni Alden papuntang Hong Kong, after niyang manggaling sa Gen San para naman sa taping ng Lenten special ng Eat Bulaga.

Part of his preparation for the movie ay magbawas ng timbang na ang laki na nga ng ibinawas ng timbang ni Alden nang makita namin. Bukod dito, nag-aaral din si Alden ng Cantonese language for his character.

Nine years na sa showbiz si Alden, pero sure kami na ang na-achieve niya in nine years ay ‘di pa naabot siguro ng doble sa bilang ng taon ng ibang artista.

Bukod sa pagiging actor, recording artist, isang businessman na rin si Alden na na-surprise kami dahil apat na pala ang branch ng Concha’s Restaurant niya, isa rito ay sa Tagaytay Highland.

Sa April 26 naman ang grand opening ng sarili niyang branch ng McDonalds sa Biñan, Highway. Na-move raw ang opening from Easter Sunday dahil sigurado raw na nasa Hong Kong siya during Holy Week.

Sabi ni Alden, “Actually po, sa opening ng McDonalds, bale uuwi lang po ako from the shooting, then, babalik ulit sa Hong Kong.

“After the shoot naman po, yung Brooklyn show naman po sa New York.”

Naudlot din daw ang plano nilang pamilya ngayong Holy Week kahit nakapag-book na sila.

“Sa Davao po sana kami, sa Pearl Farm, pero ayaw na rin po ng family ko na tumuloy kung hindi raw po ako kasama.

“But of course, they understand, work naman po. At isang yugto naman po ang mabubuksan para sa career ko na maka-trabaho ang mga taga-ABS, very excited po ako.”

(photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s