Siksik sa sayang weekend hatid ng MOR 101.9 at TFC sa mga OFs sa Hong Kong

NI: Throy Catan

MOR Pinoy Pop Icon Hong Kong

Isang hitik na weekend ang dala ng MOR 101.9 For Life! at The Filipino Channel (TFC), sa pakikipagtulungan ng Singphil, para sa mga Kapamilyang overseas Filipinos sa Hong Kong dahil dadalhin nila doon ang “MOR Pinoy Pop Icon Hong Kong” at “TFC Sama Saya on Wheels” sa April 7 sa Chater Road sa Hong Kong.

Simula pa lang ng araw ay siguradong mare-relax na ang mga overseas Filipinos na sagot ng “TFC Sama Saya on Wheels”, kung saan ang mga Kapamilyang naka-subscribe sa TFC Online ay makakakuha ng FREE services mula 9:00 a.m. hanggang 3:00 p.m.

Ipakita lang ang katibayan ng TFC Online subscription at maaari ng makakuha ng mga sumusunod na free services: head at neck massage para sa mga Basic subscribers; haircut para sa mga Lite subscribers; haircut at makeup makeover para sa mga 3-month Lite subscribers; at haircut at makeup makeover para sa Premium subscribers.

MOR Pinoy Pop Icon Hong Kong Grand Finalists

Samantala, magpapasiklaban naman sa talento sa pag-awit ang 11 na overseas Filipino grand finalists sa “MOR Global Pop Icon Hong Kong” na sina Jerick Mora, Margie Gorre, Archie Guerrero, Mickie Chow Javier, Desiree Bernabe, Ruth Gaily Tejada, Rebecca Aurelio, Joel Tanio, Alona Hernandez, Marissa Fate Espin, at Joane Tindungan.

Bukod sa pagkakataong tanghaling kauna-unahang “MOR Pinoy Pop Icon Hong Kong” grand winner, isa rin sa kanila ang hihirangin na TFC People’s Choice awardee. Iboto ang inyong paboritong grand finalists hanggang April 5.

Makikisaya rin sa mga Kapamilya sa Hong Kong ay si Pop Rock Royalty Yeng Constantino at heartthrob JM de Guzman.

Para sa updates tungkol sa event, bisitahin at i-like ang TFC Hong Kong official fan page. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s