Max, inaming nadadala ang character na minsan ay pinagtatalunan nila ni Pancho

NI: Nora V. Calderon

MAGTU-TWO years nang kasal sina Pancho Magno at Max Collins, kaya madalas ang topic ng interview kay Max, kung kailan naman sila magkaka-baby.

At madalas ang sagot ni Max, naghahanda pa sila, hindi pa sila ready ni Pancho, gusto muna nilang magkaroon ng sariling bahay.

Pero ngayon iba na ang sagot ni Max since nagsimula siyang mag-taping ng bago niyang Afternoon Prime drama series na Bihag bilang si Jessie at may anak siya, si Ethan played by the six-year old child actor Rafael Landicho. 

Dito na lumabas ang tunay na dahilan ni Max bakit ayaw pa niyang magka-anak.

A different experience ang naramdaman ko simula pa nang mag-taping kami,” kuwento ni Max after the mediacon.

“Mahirap sa akin ang role dahil wala pa akong anak, pero very fulfilling kasi hindi ko mai-compare ang love ng isang nanay para sa isang anak, iba talaga siya.  Kapag nakikita ko si Ethan sa eksena namin, ini-imagine kong anak ko siya talaga.     “May learning disability siya kaya lalo ko siyang iniingatan,  Ang hirap pala ng feeling na paano kung may mangyari sa kanya, at tulad sa story, mawawala siya, mawawalay sa akin.  Doon ko naisip na ayaw kong magkaanak.”

Max & Rafael Bihag

Inamin ni Max na nadadala niya ang character niya sa bahay, na minsan ay pinagtatalunan nila ni Pancho.

“Pagdating ko po kasi ng bahay, nakasimangot ako, mainit ang ulo ko kaya lagi akong tinatanong ng husband ko, ano raw ang problema ko.  Kaya ini-explain ko na lamang kay Pancho na hayaan muna niya ako, nadadala ko iyong character ni Jessie na laging natataranta.  Tapusin ko muna itong soap ko at pagkatapos balik ako sa normal.”

Pero may maganda ring effect kay Max ang pagiging ina niya kay Ethan.

“Bago kami nag-start ng taping, nag-research muna ako tungkol sa motherhood at nag-spend ako ng time sa mga friends ko na nanay na.  Iyon ang parang naging training ko para mahalin ko iyong character bilang asawa at ina. 

“Natutunan ko kung paano humawak ng bata, at napi-feel ko nang masarap magkaroon ng anak.  Sa ngayon, pareho kaming may project ni Pancho, magsisimula na ako today, Monday, April 1, may world premiere na kami ng ‘Bihag’, after ng ‘Dragon Lady’.

“May sisimulan ding project si Pancho, then after, may plano pa kaming mag-travel na matagal nang naka-schedule.  Kaya siguro, next year, ang pagkakaroon na ng baby namin ni Pancho ang paghahandaan namin.”

Sa direksyon ni Neal del Rosario, kasama rin sa cast ng Bihag sina Jason Abalos, Mark Herras, Neal Ryan Sese, Sophie Albert at child actor Rafael Landicho.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s