Pagiging Kapuso ni Derek, nagiging klaro na; Andrea, makakatambal sa sexy drama series

NI: Rose Garcia

KAHIT na hindi pa inaanunsiyo, habang tumatagal ay mas nagiging klaro kung ano ang unang teleserye na gagawin ni Derek Ramsay bilang isang Kapuso.

Of course, wala pa rin namang pirmahan na nagaganap. Ang tagal na nasusulat na magiging Kapuso na si Derek, pero parang gusto pa yata ni Derek na mag-relax-relax pa bago sumabak talaga sa trabaho.

Nandiyang nangti-tease ito sa mga posting sa Instagram account na mala-hubo’t-hubad na.

Siyempre, once you signed up in a network, it only means, work na talaga.

So yun nga, isa si Andrea Torres sa um-attend ng exclusive screening ng Mystified. Narinig namin nang may nagbanggit dito sa next project niya.   Either ayaw lang talaga ni Andrea na mag-assume hangga’t hindi na nagsisimula o nagma-maang-maangan school of acting ‘to nang tanungin namin kung ano nga ang next project niya.

Sabi ni Andrea, “Hindi ko nga po alam, buti pa sila alam nila, ha ha ha!”

Sabi ng source namin, sobrang sexy Andrea raw na drama ang bagong teleserye nito. At excited ito sa magiging leading man ng Kapuso actress.

So, alam niyo na…yes, balita nga namin na ang unang serye ni Derek sa Kapuso will pair him with Andrea. Ito rin daw ang teleserye na gagawin ni Jessy Mendiola if true na lilipat siya.

Eh, itinanggi ni Jessy nang tanungin ng press sa presscon naman ng bagong movie niya sa Regal Films na Stranded.

So sige, let’s wait and see. Basta ang sure, sexy drama raw ito.

andrea torres

IT’S either wala na lang talagang pakialam si Gretchen Barretto sa mga negative comment sa kanya ng netizens o talagang mas matimbang sa kanya na mailabas kung anong angst o bitterness man meron siya sa mga taong hindi niya kasundo.

Given na ‘yung kay Kris Aquino na nakisawsaw nga raw siya sa isyu nito kay Nicko Falcis. “Sawsawera” ang bagong title ni Gretchen ngayon as far as netizen are concerned.

Eh, for some reason, magkabati na sila ng bunsong kapatid na si Claudine Barretto. At sobrang sweet-sweet-an ang mga ipinapakita sa kanilang ga Instagram Live.

Pero sa pagbabati nila ni Claudine, parang kung ano ang nag-ignite sa damdamin ni Gretchen at ang isang kapatid, si Marjorie Barretto naman ang inaaway at pinaparinggan.

Ultimo isyu ni Claudine na diumano’y may utang kay Jinkee Pacquiao na itinanggi ni Claudine through IG Live at kinumpirma naman ni Jinkee, si Gretchen ang nag-uudyok kay Claudine na pangalanan na nito si Marjorie.

Hindi ginawa ni Claudine, pero si Gretchen, buong ningning na pinost na si Marjorie raw ang nagkakalat.

Sa bawat revelation ni Gretchen, hindi lahat ay natutuwa. Base sa nababasa naming comments, mas marami ang hindi natutuwa at nate-turn-off sa ginagawa ng semi-retired actress.

Kung turn-off sa kanila si Gretchen, paghanga naman kina Claudine at Marjorie na hindi na raw pumapatol sa away.

Sey pa ng isang netizen, “So, sino ang totoong class sa kanila?”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s