Kevin Santos, licensed private pilot na

NI: Throy Catan

KAPAG may gusto kang gawin, may paraan. Ito ang ginawa ng StarStruck alum na si Kevin Santos na pinagsabay ang pag-aartista at pag-aaral niya bilang isang piloto.

Sa Kapuso show na Tunay na Buhay, dinokyument nila ang huling pagsusulit ni Kevin para maging isang ganap na piloto.

At dahil nakapasa siya sa test, nakuha na ni Kevin ang kanyang lisensya bilang isang private pilot. Dahil dito, puwede na siyang magpalipad ng private-owned na aircraft. Hindi pa kasali rito ang mga eroplano na para sa airline which is iyun ngayon ang target na goal ni Kevin.

Hindi ring madaling pagsabayin ang pag-aaral ng paglipad ng eroplano at ang pag-aartista. Ayon sa kanya, hindi na siya gumigimik, around 90% ng kinikita niya sa pag-aartista ay napupunta sa tuition niya, at halos buong araw ay dapat naka-focus siya either sa trabaho o sa pag-aaral. Pero kahit ganito, sulit naman ang sakripisyo dahil nakapasa na siya sa test, at puwede na siyang magtrabaho bilang private pilot kung gugustuhin niya.

Kasalukuyan ngayon mapapanood si Kevin Santos sa high-rated Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s