Claudine, nilinaw na ‘fake news’ ang lumabas na may utang kay Jinkee; kinalat ni Marjorie ayon kay Gretchen

NI: Rose Garcia

IT’S either wala na lang talagang pakialam si Gretchen Barretto sa mga negative comment sa kanya ng netizens o talagang mas matimbang sa kanya na mailabas kung anong angst o bitterness man meron siya sa mga taong hindi niya kasundo.

Given na ‘yung kay Kris Aquino na nakisawsaw nga raw siya sa isyu nito kay Nicko Falcis. “Sawsawera” ang bagong title ni Gretchen ngayon as far as netizen are concerned.

Eh, for some reason, magkabati na sila ng bunsong kapatid na si Claudine Barretto. At sobrang sweet-sweet-an ang mga ipinapakita sa kanilang ga Instagram Live.

Pero sa pagbabati nila ni Claudine, parang kung ano ang nag-ignite sa damdamin ni Gretchen at ang isang kapatid, si Marjorie Barretto naman ang inaaway at pinaparinggan.

marjorie-barretto_gretchen-barretto

Ultimo isyu ni Claudine na diumano’y may utang kay Jinkee Pacquiao na itinanggi ni Claudine through IG Live at kinumpirma naman ni Jinkee, si Gretchen ang nag-uudyok kay Claudine na pangalanan na nito si Marjorie.

Hindi ginawa ni Claudine, pero si Gretchen, buong ningning na pinost na si Marjorie raw ang nagkakalat.

Sa bawat revelation ni Gretchen, hindi lahat ay natutuwa. Base sa nababasa naming comments, mas marami ang hindi natutuwa at nate-turn-off sa ginagawa ng semi-retired actress.

Kung turn-off sa kanila si Gretchen, paghanga naman kina Claudine at Marjorie na hindi na raw pumapatol sa away.

Sey pa ng isang netizen, “So, sino ang totoong class sa kanila?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s