Ianna Dela Torre, nag-sign na ng kontrata under Star Music

NI: Throy Catan

FINALLY, ire-release na sa June 19 ang latest album ni Ianna Dela Torre na may pamagat na “Ianna“. Opisyal na inanunsyo ang release ng kanyang album during the contract signing ni Ianna last Thursday, Marso 28.

10 tracks ang nakalagay sa debut album ni Ianna, at pawang mga sikat na kompositor ang gumawa ng mga kanta niya. Isa na rito ay sina Maestro Ryan Cayabyab (revival of OPM classic “Kailan”), Jonathan Manalo (Always You), Rox Santos (LOVE is Spelled Y-O-U), Agat Morallos (Kahit sa Panaginip), Odette Quezada (To Love Again). David Foster (cover of Through the Fire), Joel Mendoza (Wala Kang Kapalit, Alam Kong Nandyan Ka, Ang Sabi Mo), and David Dimaguila for her carrier single “Pinapa“.

Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat si Ianna sa natanggap niyang blessing, lalo na sa lahat ng bosses ng Star Music, “Finally! thank you Lord for everything! Contract Signing at Star Music PH . Thank you to all the bosses of Star Music: Sir Roxy Liquigan, Sir Jonathan Manalo, Sir Rox Santos, Atty. Marivic Benedicto for this opportunity and to everyone at Star Music for welcoming me to your family!! ❤️❤️❤️ Thank you po Tito Joel Mendoza!!” Sabi ni Ianna sa post.

Nung 2013, Nakuha ni Ianna ang Junior Grand Champion Performer of the World at Junior Grand Champion Vocalist of the World sa prestihyosong talent competition na WCOPA 2013 na ginanap sa California, USA.

Sumabak na rin siya sa pag-arte at natapos na niya ang Advance Acting Workshop Level 2 sa ABS-CBN Star Magic Acting Workshop. Lumabas na siya sa maraming Kapamilya shows katulad ng Wansapanatym, at 100 Days to Heaven.

Nagkaroon na rin siya ng mga proyekto from other networks like GMA’s Daldalita at Magpakailanman, at TV5’s Enchanted Garden at Third Eye.

17 years old na si Ianna at kasalukuyang nag-aaral bilang Grade 10 student sa Angelicum College sa Quezon City.

Maliban kay Ianna, kasama rin sa contract signing ang singer na si Rayt Carreon, at mag-love team na Maymay Entrata at Edward Barber o mas kilala bilang MayWard.

For more information about Ianna Dela Torre, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s