Sunshine, ‘di pinalampas ang mga namba-bash dahil sa reklamo ng dating kasambahay

BY: Rose Garcia

KINILALA ang isa sa mga bida ng afternoon prime ng GMA-7 na Inagaw Na Bituin si Sunshine Dizon ng GEMS (Hiyas ng Sining) bilang Best Supporting Actress sa ginawa niyang pelikula na Rainbow’s Sunset.

Personal itong tinanggap ni Sunshine.

Actually, ang daming ganap ni Sunshine ngayon dahil nagkaroon din ng celebrity screening ang movie na ni-line produced nila ng mga kaibigan at orihinal na Sang’gres ng Encantadia na sina Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle na Mystified sa Shangrila at magpi-premiere na sa iflix sa March 29 bilang very first Filipino movie produced for iFlix.

Nandiyan pa ang kanyang Inagaw Na Bituin na kunsaan, hindi lang nagpapaka-aktres si Sunshine, nagpapaka-singer na rin at nakikipag-tagisan talaga sa kantahan kay Angelika dela Cruz naman.

sunshine dizon

Yun nga lang, kasabay ng magagandang balitang ito kay Sunshine, biglang sumingit ang reklamo sa kanilang mag-asawa ng dating kasambahay sa programa ni Tulfo.

Ang mister ni Sunshine na si Timothy Tan ang nakipag-usap sa programa ni Tulfo at sinagot naman ang lahat ng alegasyon o reklamo ng katulong.

Mahirap din talaga ang mga celebrities o sikat na personalidad dahil may kasalanan man sila o wala, madali ang ginagawang panghuhusga sa kanila ng taong bayan.

Hindi sa kinakampihan namin si Sunshine, pero siguro kung mapagmaltrato ito ng kasambahay, baka matagal na itong napabalita. Yung yaya ni Sunshine at iba pa nilang kasama sa bahay na bata pa lang si Sunshine e, nandoon na, hanggang ngayon, nakikita pa rin namin sa kanya.

Hindi nakuhanan ng pahayag ng Tulfo si Sunshine, pero dahil mabilis ang panghuhusga, obviously, nahusgahan na nga ito agad sa Instagram account pa lang niya. Hindi pinalampas ni Sunshine ang mga nangba-bash sa kanya at sinagot nito ang ilan.

Sunshine-Dizon,-Timothy-Tan

May nag-comment kay Sunshine na sinabihan itong please lang po, magbayad kayo ng benefits ng mga katulong para wala ng issue.

Sinagot ito ni Shine nang, “laban ka nga muna ng patas, nakakahiya naman sa amin. Kaming lahat dito real accounts, ikaw, 1 follower lang. ‘Wag kang duwag. ‘Pag kukuda ka, ‘wag kang nagtatago.”

Nabanggit din ni Sunshine na kung magsasalita pa siya at ibang mga kasamahan nito, baka raw mahirapan lang makakuha ng trabaho ang katulong na nagreklamo.

Anyway, marami naman ang nagtatanong kung magkasama pa rin ba sa isang bahay sina Sunshine at Tim o kahit hiwalay na o kung nagkabalikan ba.

Hindi siguro nagbabasa ang mga nagulat at nagtatanong. Ilang beses na sa mga past interviews ni Sunshine na paulit-ulit niyang sinabi na hindi sila nagkabalikan.

Pero kapag wala siya, lalo na at may trabaho siya, ang asawa talaga ang nag-aasikaso ng dalawang anak nila.

Sabi nga ni Sunshine, “We’re still parents to our two children.”

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s