First original Pinoy movie para sa iflix na ‘Mystified’, star-studded ang exclusive screening

NI: Rose Garcia

STAR-STUDDED ang naganap na exclusive screening sa Shangrila Mall ng kauna-unahang original Pinoy movie produced for iflix na Mystified.

Sa March 29 na ito mapapanood sa iflix ng libre, pero first and maybe last na napanood sa big screen noong Sabado ng gabi.

Bukod sa apat na original Sang’gres na sina Karylle, Diana Zubiri, Iza Calzado at Sunshine Dizon, dinagsa rin ang exclusive screening ng maraming celebrities na malapit sa apat na bida, gayundin sa gumanap na kontrabida sa Mystified na si Sunshine Cruz.

Hindi na namin nailista lahat ng artistang dumating, pero ilan sa nakita namin ay sina Gabby Eigenmann, Marlo Mortel, Angelika dela Cruz, Max Collins, Kyline Alcantara, Andrea Torres, Paul Salas, mag-iinang Lorna Tolentino kasama sina Rap at Renz Fernandez, gayundin ang apo ni LT na si Tori.

Encantadia-Mystified

Si Ciara Sotto at ang boyfriend na si Ian Austin, Bianca King, Alice Dixson, Yasmien Kurdi kasama ang mister na si Rey Soldevilla at marami pang-iba.

Full effort sina Sunshine, Iza, Karylle at Diana sa Mystified na first venture rin nila bilang mga line producer sa Sang’gres Productions, along with Direk Mark Reyes na hindi nakarating sa exclusive screening, pero may paandar na big teddy bear para sa apat niyang Sang’gres.

Nakaka-proud din na may original content na mula sa Pilipinas at mapapanood na sa mahigit 20 bansa. Tama ang sabi ni Sunshine na ang pagkakagawa nila sa Mystified will cater to all ages.

Sa ngayon, hindi pa masagot ni Sunshine kung masusundan daw agad ang pagsasama nilang apat as actresses, pero ang sure raw, may next project na sila as producers.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s