Ciara, annulled na kaya legal na sila ng non-showbiz bf na si Ian

NI: Rose Garcia

OFFICIALLY single na muli ngayon si Ciara Sotto.

Noong nakaraang buwan pa raw nang matanggap niya ang desisyon ng korte sa isinampa niyang annulment case sa kasal nila ng dating mister na si Joe Oconer.

Nang tanungin namin si Ciara kung ano ang pakiramdam noong araw na natanggap niya na annulled na nga siya, sey niya, “Masaya, masaya talaga na finally, okay na, legal na.

“And, legal na rin kami,” natawang sabi niya na ang tinutukoy ay ang non-showbiz boyfriend na si Ian Austin.

Dati na silang magkakilala ni Ian nang tumira sa Las Vegas si Ciara, pero pareho raw silang may mga karelasyon noon. It was only a year ago nang manligaw ito sa kanya at dumaan din sila sa LDR ( long-distance relationship).

ciara-sotto-ian

But not anymore now, nag-desisyon na ang half-Pinoy boyfriend ni Ciara na dito na sa bansa manirahan.

Close rin si Ian sa anak ni Ciara na si Crixus at gayundin sa pamilya at mga kaibigan ng singer/actress and is running also for Party List, ang Luntiang Pilipinas.

At dahil kaa-annulled ng dati niyang kasal, natawa na lang si Ciara sa tanong namin kung may plano na silang pakasal, wala pa raw sila sa bagay na yun at kaka-single nga lang naman niyang muli.

Halos lahat naman ay masaya para kay Ciara at nagwi-wish na sana nga raw ay ito na talaga ang “the one” at “forever” niya.

Anyway, legal na legal na nga ang relasyon nila dahil ang boyfriend ang kasamang date ni Ciara nang manood ng exclusive screening ng Mystified sa Shangrila Cinema.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s