Arjo, inaming ‘stranded’ na sa puso ni Maine; wala pa ring paki sa mga bashers

INAMIN ni Arjo Atayde na tipong ‘stranded’ na siya sa puso ni Maine Mendoza.

Kahit maikling ‘yes, opo’ ang sagot niya nang matanong sa media launch ng Stranded na pinagtatambalan nila ni Jessy Mendiola, halatang-halata sa aura niya na haping-happy siya sa piling ni Maine na huling nakitang magka-date sa Star City.

Inamin din niya na kasama nga ang babaing nagpapasaya sa kanyang puso sa main purpose sa buhay niya.

Hangga’t maaari ayaw na talagang mag-elaborate pa ni Arjo tungkol kay Maine, dahil mas gusto niyang pag-usapan ang tungkol sa Stranded na showing na April 10 na mula sa direksyon ni Ice Idanan at hatid ng Regal Entertainment, Inc.

Isama pa rito ang pinag-uusapan na napakahusay niyang pagganap sa Bagman na may live streaming ngayong gabi sa iWant para sa pagpapatuloy ng 12-part series.

jessymendiolaarjoataydestranded

Anyway, muli na namang natanong si Arjo kung tinatalaban pa ba siya ng mga pamba-bash.

“Wala po akong pakialam,” sagot niya.

“I’m the wrong person to talk about bashing.”

Happy naman sina Arjo at Jessy na na muling magkatrabaho, nagkasama na sila sa Tol at heto nga’t pinagtambal sila sa Stranded na kung saan kasama rin sina Miko Raval, Mich Liggayu, Miggy Marty, Pinky Amador, Johnny Revilla at ito ang first movie ni Gretchen Ho.

Anyway, ang Stranded ang second feature film ni Direk Ice Idanan na mula sa panulat nina Easy Ferrer at Jeps Gallon.

Una niyang pelikula ang Sakaling Hindi Makarating (The Amazing Journey of the Letters) na naging finalist sa Cine Filipino Independent Film Festival noong March 2016 na kung saan sa 10 nominasyon, nanalo ito ng 7 awards na kinabibilangan ng Best Director, Best Cinematography at 1st runner up sa Best Picture.

Sa nabanggit na movie, nakuha rin ni Direk Ice ang Best Indie Cinematographer sa PMPC’s Star Awards for Movies noong 2017.       Binigyan din ito ng International Category Excellence Award sa Asia Tourism-Inducted Film and TV Arts week na ginanap sa Taizhou, China.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s