Angelika, aminadong ‘stage sister’ at proud na proud kay Mika

NI: Rose Garcia

NAKAUSAP namin si Angelika dela Cruz na isa rin sa um-attend ng exclusive screening ng Mystified sa afternoon prime nilang Inagaw Na Bituin.

Obviously, suporta kay Sunshine kaya dumating si Angelika na co-star niya sa INB.

Nang kamustahin namin si Angelika tungkol sa serye, “alam mo, sobrang okay, sobrang good vibes lahat sa set.

“Kahit yung mga bagets, lahat sila, okay, napaka-professional.”

angelika-mika1

Hindi na raw siya sing-sing ngayon sa serye at okay raw sa kanya. Katwiran niya, “Alam mo, ang hirap din umaarte, kakanta. Pero siyempre, na-miss ko rin ang singing. Thankful na ko, nagawa ko na naman sa ibang past teleserye ko, ‘di ba?”

Tulad niya, ratsada rin ngayon ang kapatid na si Mika dela Cruz at dito raw siya very proud talaga.

“Proud ate ako, ‘di ba, sige, isa akong stage sister, ha ha ha! Pero seryoso, masaya ako para sa kanya na finally, naipapakita rin niya ang talent niya as an actress.

“And nakakatuwa kasi, ang ganda ng mga feedback sa kanila sa ‘Kara Mia’, ngayon, naghihiwalay na sila,” updated pang hirit niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s