Aiko, nag-back out na lang sa serye para suportahan ang politician bf na nadawit sa ‘narco list’

NI:  Ricky Calderon

HUMINGI nang dispensa si Aiko Melendez sa ABS-CBN management, particularly sa Dreamscape.

Entertainment head na si Deo T. Endrinal, dahil umatras ang aktres sa teleseryeng Sandugo na pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Ejay Falcon.

Kasama rin sa serye sina Ariel Rivera, Cherrie Pie Picache, Elisse Joson, Ogie Diaz, Arlene Muhlach, Jeric Raval at ang nagbabalik-telebisyon na si Cogie Domingo.

Nakatakda na niya niya gawin ang Sandugo. In fact, kasama na siya sa unang publicity shoot.

Aiko-Melendez-Mayor-Jay

Pero nadawit ang pangalan ng kanyang politician boyfriend sa narco list kaya minabuti na lang ni Aiko na mag-back out sa serye.

Hindi raw niya inakala na magkakaroon siya ng ganitong sitwasyon kaya nag-back out na lamang siya. Mas kailangan daw siya ngayon ng kanyang boyfriend.

Nagpaalam naman na raw nang maayos si Aiko sa management ng ABS-CBN at Dreamscape pati na rin sa kanyang  manager na si Boy Abunda.

Humingi rin siya ng apology kay Deo Endrinal (head ng Dreamscape) at Erick Salud (business unit head) ng production.

‘Yung role na ‘yun ay ginawa talaga for Aiko ay ibinigay kay Vina Morales, na ikinatuwa niya dahil kaibigan niya si Vina.

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s