Sen. JV, umaasang tataas na ang ratings sa paglabas ng political ads; Mayor Sara, bilib na bilib kaya todo-suporta

NI:  Rohn Romulo

MAS kilala na ngayon si Sen. Joseph Victor ‘JV’ Ejercito bilang Mr. Health Care, matapos na pirmahan noong Pebrero 20 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Universal Health Care Act.

Labis niya itong ikinagalak at taos pusong nagpasalamat kay Pangulong Duterte dahil pormal na ang pagsasabatas ng kanyang matagal nang isinusulong na Universal Health Care.

Ayon sa kay reelectionist na senador, “The Universal Health Care law will transform the health seeking behavior of Filipinos.  UHC makes medical consultation and several basic laboratory tests affordable and accessible.  This will allow the people to value their health more by regularly consulting with doctors.”

jv ejercito

Ayon pa sa kanyang statement, “‘Bawal magkasakit dahil magastos magkasakit’ shall be a thing of the past.  Under the UHC law, all Filipinos become automatic members of PhilHealth and are covered by the National Health Insurance Program of the government.

“Ibig sabihin, hindi na mangangamba ang ating mga kababayan tuwing sila’y magkakasakit o sa mga pagkakataon na madapuan ng karamdaman ang kanilang mga mahal sa buhay.  Karamay na ang gobyerno sa gastusin at abot-kaya na ang pagpapagamot.”

At dahil nga lahat ng Pinoy ang makikinabang sa batas na ito, damay ang lahat ng manggagawa sa pelikulang Pilipino.

Kahit mayaman ay pwede ring mag-benefit dito, kasama ang senior citizens, PWD’s at ang mga indigent dahil lahat tayo ay automatic na covered na ng Phil Health.

Tiyak na malaki ang maitutulong nito kay Sen JV, na muli ngang tumatakbo muli sa pagka-senador lalo pa nga’t bumaba ang ratings niya sa mga surveys na isinagawa ng Pulse Asia at ang itinuturong dahilan ay ang kawalan niya ng political ads sa simula ng campaign.

sara duterte

Nasa top 8, bumaba sa 9 hanggang sa bumaba pa nang husto.  Umamin din ang butihing senador na nahirapan silang mag-raise ng funds dahil sa totoo lang napakamahal na mag-place ng political ads sa TV.

Sa ngayon ay meron na siyang political ads na napapanood sa telebisyon na malaking tulong talaga para ipaalam ang performances niya bilang senador at isa lang dito ang pinag-uusapan Universal Health Care Act na pina-prioritize ang mga sumusunod: Healthy Nanay and Bulilit Act (1st 1000 Days), Philippines HIV and AIDS Policy Act, National Integrated Cancer Control Act and Establishment of a Center for Austism.

Samantala, isa sa nagpakita nang matinding pagsuporta kay Sen. JV ay ang anak ng presidente na si Mayor Sara Duterte at political leader ng Hugpong ng Pagbabago Party (HNP).

Ipinagmamalaki nga ni Inday Sara na suportahan si Sen. JV sa pagsusuot ng campaign shirt sa isang campaign rallies sa HNP sa Visayas na kung saan hindi siya nakarating.

At dahil dito malamang sa susunod na paglabas ng survey ng Pulse Asia ay tumaas na ang ratings niya at suportahan ng mga Pinoy sa darating na eleksyon na number 26 sa balota.

(photos: #CTTO)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s